#BTSEp12
"Bwisit ka talaga, Ezra!" Pinaghahampas ko ang kumag na lalaking 'to! "Kapag talaga nakipag-break sa akin si Liv, susunugin ko ang kaluluwa mo!"
Then he stared at me with a disgusting look on his face. "Disclaimer, walang kayo in all levels."
Halos mapatay ko talaga siya sa paghampas! "Alam mo ikaw, hindi lang kamay mo ang pasmado, pati bibig mo!"
Ang loko naman, tumawa lang nang tumawa habang pinapanood ang nakasimangot kong mukha. Hinampas ko tuloy uli siya nang malakas. "Umalis ka na nga! Baka dumating na si Liv. Lalong ma-ba-bad mood 'yon kapag nakita ang mukha mo!"
"Ayaw." He is still laughing. He is effin provoking me and he is succeeding without even trying!
"Ezra, sasapakin na kita." Hinila ko siya papunta sa elevator. Siya naman ay tawa pa rin nang tawa habang tinutulak ko. Siraulo talaga!
"Yakap muna!" He acted as if hugging me! Sisipain ko na talaga 'to sa eyeballs, isa pa!
Noong malapit na kami sa elevator ay sakto naman iyong bumukas. And swear, muntik na talaga akong mahimatay sa gulat nang makita si Liv doon. On cue, he glared at us. It's as if he caught his girlfriend cheating?!
Sa nakita ko sa mukha niya ay tatawa-tawa ako nang awkward noong itinulak ko nang malakas si Ezra papalayo sa akin. Ezra glared at me dahil napalakas iyong hampas niya sa pader. Nagiging Incredible Hulk pala ako kapag nasa harap ko si Liv?!
Lumabas na si Liv sa elevator. I glared at Ezra. Sinenyasan ko siyang umalis na kung hindi, hindi talaga ako magdadalawang isip na maging kriminal para sa Liv ko!
Ezra is pouting like a child. Go figure seeing a bad boy looking guy, with tattoos on his biceps, a slight division at the latter of his thick left eye brow and a fiercing on his right ear, pouting as if someone took his teddy bear. Para talagang isip-bata 'to kapag ganito!
Hinaplos niya iyong likod niya. Matapos ay nakanguso pa rin noong pumasok na sa elevator.
That was the cue for me to get ahold of Liv. I was the quickest to go and reach him. Hinawakan ko siya sa braso pero isinalya niya lang iyon palayo. But that didn't flinch me at all. Tumayo ako sa harap niya.
With puppy eyes, I said, "Sorry na . . ."
His cold stare landed on mine. Swear, that was intimidating. Nakita kong umigting ang panga niya noong mag-iwas siya ng tingin. Matapos ay para na naman akong hangin sa kanya! Nilagpasan niya ako at nagtungo nang muli papunta sa condo unit niya.
Dahil malakas ako. Dahil si Grace Malakas ako, I tried to pulled his arms again. Pero wala pa rin, isinalya niya lang rin iyon palayo.
Wala siyang salita noong buksan na niya ang pinto.
And I thought he is going to let me in.
Pero hindi.
He left me outside.
He left me with the loud bang of his door. With the ache in my heart being intorelable.
Sa ginawa niya, kusang kumirot ang puso ko.
Sinaraduhan niya ako ng pinto.
Ang bastos lang.
Pero dahil nga mahal na mahal ko siya. Dahil manhid ako. Dahil martir ako. Wait, in short, dahil tanga ako. Pinatawad ko siya agad kahit hindi naman siya nag-so-sorry.
Yey, ang tanga.
Ang tanga-tanga.
Bumagsak ang mga balikat ko noong pinindot ko ang voice button ng door bell niya. Magpapaalam na lang ako sa kanya. Baka kasi need niya? Baka lang naman. Kahit na alam ko namang hindi.
"Hey, Liv." I am smiling pero deep inside, durog ang puso ko. "Hmm, ano kasi." I cough, I was trying to sound jolly and all but the ache on my heart is bugging me!
"Sinamahan ko lang talaga si Ezra na bumili ng regalo sa current na nilalandi niya kanina."
I raised my right hand. "Promise, hindi kami nag-date! Sinamahan ko lang talaga siya!" Tumingin ako sa camera kahit na alam ko namang hindi ako pagkakaabalahang panoorin ni Liv.
"If you're thinking I am dating him, no. I will never date him." Because my heart is wanting to date you so bad that I can throw myself at you right now.
Saka teka nga, bakit ako nag-e-explain? As if naman kami talaga? As if naman magseselos siya? Ang assuming ko na, grabe. Nakakahiya na ako. Nahihiya na ako sa sarili ko pero nagpatuloy pa rin ako. Gaga, eh.
"Kaya lang naman kasi ako sumama kasi he gave me a hard bargain." I pout, then I look away from the camera. "He told me na ililibre niya ako ng pizza. Eh, alam mo namang matakaw ako, 'di ba? Alam mo namang, basta libre, pinapatos ko lagi?"
No, wala siyang alam. Wala siyang pakialam sa akin. Wala siyang interes sa akin.
Natawa tuloy ako sa kabila ng pagkirot pa lalo ng dibdib ko. Ang tanga, Grace. Ang tanga mo na talaga.
I am blinking as I make a thin line with my lips. Then I sigh. Obviously giving up for now. "Aalis na ako, ha? Ingat ka diyan. Tingin ka sa dinadaanan mo, ha?"
Sige pa, pakatanga ka pa. Kung ano-ano nang sinasabi mo. Umalis ka na lang.
Humugot pa muna ako nang malalim na hininga bago ako nagpasyang tumalikod. Pero sumulyap pa ako ng isang beses doon sa camera. Sa utak ko, para bang mukha ni Liv iyong tinitignan ko.
I sigh for the last before I finally turn my back.
Give up muna ako for now.
Better luck next time, ganiyan.
But I was about to walk away when suddenly, I heard the door to open. Then there's Liv's voice. "Where are you going?"
My mouth was agape when I turned my face on him. He is still with his cold stare. "Uuwi na muna ako." I am smiling at him awkwardly. Nahihiya na talaga ako!
"Do I also have to bargain you with pizza to stay with me?"
I am blinking.
What-- huh?
Then he shoved his phone. He dialed a number. Matapos ay idinikit niya iyon sa kanyang tenga. While talking, he is staring at me with his usual cold stare.
"Anong flavor?"
I tore my gaze away as the beat of my heart started to race like crazy. Hihimatayin na yata ako sa bilis nito. "Shawarma."
"Two boxes of shawarma, please." Then he told the other line the address of his unit.
Noong nilagay na niyang muli ang cell phone niya sa kanyang bulsa ay hindi pa rin talaga naaalis sa akin iyong tingin niya! Hindi ko talaga alam kung galit pa ba siya!
"You coming or what?" He spaced me a way in. At hindi pa rin talaga ako makatingin sa kanya nang diretso noong pumasok na ako.
When I entered his unit, I heard the door to close. Then I was really shocked when Liv grabbed my hand. Until he pinned me against the door. I was trapped there to witness how his eyes turned from cold to flaming. He is staring at me with his blazing eyes. It was so intimidating that I might just turn to ash at any moment.
"I f*****g mad at myself that I can't stay mad at you." He told me with his brows contineously knitting.
I was really blinking to process everything. Pero wala akong maisip noong mga oras na iyon kung hindi ang makipagtitigan lang kay Liv.
One moment later, he let go of me while hissing disappointedly. He walked away from me. Umupo siya sa sofa. With his elbows above his knee, ginulo-gulo niya ang buhok na para bang upset na upset sa sarili.
Ako naman, parang bato na dito! 'Wag na lang talaga akong huminga, papasa na akong istatwa dito!
I was just standing here. Watching him. Pero noong magbaling siya ng tingin ay napalunok na lang talaga ako ng laway.
"Ano pang tinatayo-tayo mo diyan? Gusto mo pa bang umalis? Well, you can't. Naka-lock na ang pinto." Then he looked away. "Tss."
Naubo ako nang malala.
Ako aalis?! Kahit lapain mo pa ako, hindi ako aalis!
I quietly walked towards him. When I sat beside him, it felt like I was in a ship with a wild animal. Kasi naman itong si Liv, kung makatingin sa akin, galit na galit?! Lalapain mo ako? Sige na! Willing naman ako! Char.
Napuno na kami ng katahimikan noong sumandal na siya sa sofa. He is just staring at the ceiling. Ako naman, nawala na ako sa sarili ko dahil sa pagkalito sa mga narinig mula sa kanya kanina. Para bang nakalimutan ko nang madaldal pala ako.
Tumingin na lang din ako sa kisame. Ano bang mayroon doon? Butiki?! Alaga niya?!
But then again, I heard his husky voice. Napatingin tuloy ako sa kanya. At doon ko lang napagtantong nakatitig pala siya sa mukha ko.
"H'wag mo na 'tong uulitin. H'wag mo na uli akong kakalimutan . . . para sa iba." His face suprisingly turned soft. I gulped so hard. Lalo siyang gumwapo sa paningin ko.
"Please?" He continued as he looked away from my, still, puzzled eyes.