#BTSEp36 "Asia, bakla mag-relax ka!" Sambit ni Jopay na ngayon ay mahigpit ang hawak sa kamay ko. "Kaya nga! 'Wag mong dibdibin dahil wala ka n'on!" Pagak na tumawa si Hendrix na nasa kabilang tabi ko. Billie joined him. But what he said earned him a glare and a slap from Avryl na nasa kabilang tabi niya. Right now, we are all sitting on my sofa. Nakaharap kami sa flat screen TV habang hinihintay ang late night show ni Tita Girlie. Sa show niya i-re-reveal ang katotohanan sa pagitan ng pekeng relasyon namin ni Liv. At ang mga lokang ito, na-pagdesisyunan nilang damayan ako. Actually, gusto ko na lang talagang mapag-isa. Kaso pineste nila ako hanggang sa pumayag ako sa kanila. "Ayan na!" Billie exclaimed. She is franctically pointing her index finger towards the television. "What th

