#BTSEp24
Sunlight was the resson why I woke up. Ang liwanag ng papalitaw na araw ay dumampi sa mukha ko. At noong nagmulat ako ng mga mata, wala na si Liv sa tabi ko. Napapanguso tuloy akong bumangon. Pero agad akong napangiwi nang maramdaman ang ibaba ko.
Ang sakit pa rin, punyemas!
Agad na nawala ang pag-ngiwi ko noong makatayo na ako. At the center of the living room and the kitchen, there was Liv. Working out. His sturdy biceps ate flexing as he does push ups. Ngayon ay wala siyang suot na pang-itaas kaya kitang-kita ko kung papaano kuminang ang malapad niyang likod dahil sa pawis.
Pa-ika-ika ako noong lumapit ako sa kanya. Siya naman, ilang segundo lang akong tinitigan. Agad niyang iniwas ang tingin sa akin na para bang nagmamaktol na bata.
"Good morning," I tried to sound energetic kahit na deep inside, kumikirot pa rin ang pang-ibaba ko.
"Tss," he only came while his voice is uncontrolled. I can really hear the sound of his breath. It was so husky that was so close to moan.
Ah . . . eh, moan-- ano ba, Grace?! Masakit pa talaga 'yang ano mo!
I shook my head mentally. Naknampochi, parang tanga talaga 'tong utak ko!
"Let me explain muna kasi bago ka diyan magmaktol." I came with a bit irritated tone on my voice.
Biglang tumayo si Liv. That made him flash his masculine chest and torso on me. Napaiwas tuloy ako ng tingin. "Explain what?" He sounded annoyed. "Nakita ko nang lahat. Niyakap mo siya while wearing nothing but a towel. That explains everything."
Noong muli kong ibalik ang mga mata sa kanya ay nakanguso na ako. Ngayon ay sobrang diin ng pagkunot ng noo niya. Para ba siyang inapi kung makabusangot sa akin.
"Hindi nga kasi . . ." Natigilan ako noong tumalikod siya sa akin. Wala akong nagawa kung hindi ang sundan siya nang pa-ika-ika noong dumiretso siya sa comfort room. Pero nakakainis! Sinaraduhan niya ako ng pinto!
"Liv naman, eh." I tried to knock but it was to no avail. Nagpatugtog siya nang malakas sa loob kaya wala akong nagawa kung hindi ang ngumuso na lang.
Para naman kasing tanga, eh!
Sobrang ganda ko ba para magalit siya nang ganito sa akin?!
Nagpasya na lang akong magtungo sa kusina. Take note, nang pa-ika-ika pa rin. Dahil sa nararanasan ko ngayon, parang ayoko nang maulit uli ang ginawa namin ni Liv kahapon! Na-trauma ako, teh!
Sa kusina, nagpasya na lang ako na mag-gawa ng breakfast for him. Baka sakali kasing kausapin niya ako nang maayos kapag busog na siya.
Kinuha ko na ang bread. Matapos ay nagprito ako ng hotdog. I made sure na hindi iyon masusunog. Noong mantantya kong okay na ito ay saka ko lang ito hinango. Ginayat ko ito nang maliliit saka ko pinalaman sa tinapay. Matapos ay saka ko sinulatan ng word ang dalawang sandwich. Words "Sorry" and "na" are now proudly flashing on my eyes.
Ang talino ko talaga!
Noong makalabas na si Liv sa shower room ay nakasuot na lang siya ng blue na boxer shorts at puting sando. Bahagya pang basa ang buhok niya. His face and his wet hair are the real epitome of a hot combination.
"Liv, I made you a breakfast." I started with a jolly tone. May pag-motion pa ako sa kanya na lumapit. "Kain ka na."
Pero hindi niya ako pinansin. Para akong hangin dito noong naglakad siya papunta sa sofa. Kaunti na lang talaga, mababato ko na siya ng kawali!
Dahil nga mahal ko siya, dahil mahal na mahal ko siya, kinuha ko iyong plato na naglalaman ng ginawa kong sandwich. Kung ayaw niyang lumapit sa pagkain na ginawa ko, pwes iyong pagkain ang lalapit sa kanya!
Sinubukan kong hinding lumakad nang paika-ika nang makalapit na ako sa kanya. Swear, noong umupo ako, napangiwi ako nang malala! Ang sakit! Feel ko talagang namamaga ang pang-ibaba ko ngayon!
"Hindi mo talaga ko papansinin?"
Nakatuktok siya sa cell phone. Nakakunot ang noo. Mahaba ang nguso na para bang batang maldita na nagta-tatampo.
Nilapag ko sa harap niya iyong sandwich bago ko sinabing, "Na Sorry--" ay leche, baliktad! Nagmadali talaga akong pag-palitin ng pwesto ang dalawang sandwich. "Sorry na kasi talaga 'yan." Nabilaukan ako sa sarili kong laway.
Nakita kong nagtungo ang mga mata niya doon sa center table. Nagtagal ng ilang segundo ang tingin niya doon sa sandwich ko noong ibinaling niyang muli ang tingin sa cell phone.
Liv, isa na lang talaga! Isa na lang talaga! Charot, hindi ko pala kayang magalit sa 'yo.
Matapos iyon ay hindi na talaga siya umimik. Nasa tabi niya lang ako. Minu-minutong humuhugot ng malalim na hininga habang pilit na tinitignan kung ano ang ginagawa niya sa cell phone. Pero ang nagmamaktol na bata, iniiwas sa akin ang cell phone kaya wala akong nakita ni isa.
"Bakit ka ba kasi nagagalit? Eh, yakap lang naman iyon. Niyakap ko lang si Ezra. Walang ibang nangyari. Iyon lang 'yon." I am pouting. Iyon lang naman talaga 'yon, eh.
He glanced at me before he produced another, "Tss". Teka nga. Ahas ka, teh?!
"Actually, ganito kasi 'yon." I decided to just tell him anything. After all, I have to. We promised with each other na magiging open kami sa isa't isa. "Ezra confessed his feelings to me yesterday."
Doon, halos mamatay talaga ako sa talim ng tingin sa akin ni Liv!
"Teka lang. Makatingin nang masama, nang-cheat ako?! Assuming? Nagmamadali ka?"
Nakasimangot pa rin siya noong mag-iwas ng tingin. Then naramdaman ko iyong pagbigat ng hininga niya.
"And obviously, you are the only one I love so I turned him down. It's been you since day one, Liv. I will choose you over anyone else over and over again, ano ka ba."
That made his face to soften. Nawala ang pagkunot ng noo niya. Napangiti ako nang kinuha niya iyong isang sandwich. He started eating while his gaze is cemented on his cell phone.
"At ang dahilan kung bakit nahuli mo akong kayakap siya ay dahil . . ." I bit my lower lip, "he is my bestfriend. Alam mo 'yan. I don't want to lose him. I knew I had to hug him that moment because if I don't, our friendship will literally go down the road of painful what if's. I will lose him as my best friend forever."
Humugot ako ng malalim na hininga bago umiling. "Ayokong mangyari iyon. Ang dami na naming pinagsamahan. Lagi siyang nandiyan para tulungan ako. Lagi siyang nandiyan para alalayan ako. Kahit gago 'yon, ayokong matapos lang sa ganoon iyong pagkakaibigan namin--"
But Liv cut me off. "You can never be friends with him again." Kinuha niya iyong isa pang sandwich. Lumunok muna siya bago nagsalitang muli. "Dati ko pa nahahalatang may gusto sa 'yo ang gagong 'yon."
"Come on, Liv . . ." I pout. "Si Ysabelle ang gusto niya--"
Pinutol na naman niya ako. "Iyon ang alam mo. Pero ibahin mo ako."
Tinignan niya na naman ako nang may matatalim na tingin. "I have the strongest radar towards someone who will aim to steal my girl and I won't let that happen. Not on my watch." Kumagat uli siya sa sandwich. Galit na galit kumagat? Kakagat lang, kailangan gigil?!
"Okay," I sigh. I still need to talk this thing with him pero saka na kapag hindi na siya galit.
Hindi ko kayang bitawan nang ganoon lang ang pagkakaibigan namin ni Ezra. Liv should know that. Naunang magkaroon ng Ezra sa buhay ko bago siya. Si Ezra nga iyong laging nandiyan sa tuwing nasasaktan ako kapag nakikita ko si Liv na kasama si Aless dati, eh.
Ang unfair ko lang talagang tignan kapag bigla kong binitawan si Ezra just because he likes me. Ano 'yon? Dahil hindi ko na kailangan iyong comfort niya, tatapusin ko na agad ang koneksyon namin? Hindi ako user. Never akong magiging user.
Hindi inaalis ni Liv ang tingin sa akin. "Promise me."
Patay na . . .
Kagat-labi, napipilitan akong tumango, "promise."
"Good girl," he reached for my face, then he run his fingers on my hair, "I am just protecting my property. Alright?"
"Yes po, landlord." I am pouting. Ang possessive naman nito, nakaka-inlove na nakakainis. Naknammarupoknapochi naman, oh.
"I am really inlove with you and your madness," he chuckled before he pulled me for a hug. Finally, I saw his smile after a damn long time. Pero napapangiwi pa rin talaga ako noong pinaupo niya ako sa pagitan ng mga hita niya. Kumikirot ang pang-ibaba ko everytime na nasasanggi!
Right now, I am leaning my head on his broad chest. He is slightly sitting his chin on my shoulder blade. Ang sarap ng init na binibigay ng yakap niya sa akin. Nanatili lang kami sa ganitong sitwasyon nang ilang minuto.
I chose to break the silence. "Akala mo ba, nakipag-s*x ako kay Ezra?" Tumingala ako sa kanyang mukha.
Please, say no.
"You can't blame me. You are wearing nothing but a damn towel that time."
Shit.
"Wala kang tiwala sa akin?"
"Kung wala, edi sana nagising kang wala na ako dito. Tss."
"Sabagay," I pout then I leaned the back of my head on his chest even more. I just really love how broad his chest is, ang lambot higaan.
Napuno na naman kami ng katahimikan noong ako na naman ang pumutol nito. "Saka masakit pa ang ano ko para diyan sa iniisip mo. Nakakainis ka."
Sa sinabi ko pinaharap ni Liv ang mukha ko sa kanya. He is in quizzical look when he asked me, "Masakit pa rin ba?"
I look away as I nod.
"Damn." I felt him sigh, "Sorry, baby."
"Sorry-sorry ka diyan ngayon." I am still pouting like a kid. "Kayong mga lalaki, puro talaga kayo pa-sarap. Kaming mga babae lagi ang sumasambot ng kirot para sa inyo. Ang unfair!"
Then I heard him chuckle. "Okay, let me help you ease the pain. I will make it up to you."
I turned my gaze at him. "How?"
There, I clearly saw how his lips created a seductive smirk. Then he ran his tongue above his upper lips first before he say, "by being my next breakfast."