#BTSEp21
I woke up at exactly three in the morning. What most of the normal people would do first the moment they woke up is to stretch up, o hindi naman ay magkusot ng mata.
Iba ang ginawa ko.
The moment I opened my eyes was also the moment I run as quickly as I can towards the door. Noong makalabas na ako. Veh, takbo talaga iyong ginawa ko papunta sa sofa!
And from there, I saw Liv. He is quietly snoring with his arms crossed. Nakasuot siya ng white muscled tank top. Hubad ang sapatos niya. And his lips are pursed as if luring me to kiss him.
That exact moment, ang lala ng ngiti ko. Ang lala talaga to the point na para akong may masamang binabalak sa kanya!
So . . .
Hindi talaga panaginip ang nangyari kagabi?
Hinalikan niya talaga ako?
Ako talaga iyong nasa IG post niya?
Break na sila ni Aless--
Tahimik akong napatalon sa tuwa! Tinakpan ko ang bibig ko kasi anytime, titili talaga ako sa kilig!
Jusmiyo, Marimar!
Kagat-labi na lang akong pinanood si Liv. From the sliver of lights that was coming from the lights on the front door, his handsome face is glowing. With his long eyelashes and thick eye brows, samahan pa ng labi niyang naka-pout-- ay nako, totoy! Wasak! Wasak ka sa 'kin! Charot!
Dahil puro kaanuhan ang tumatakbo sa utak ko, nagpasya na lang akong magtimpi-- este mag-handa ng breakfast. Alas-sais ng umaga kasi ay nasa Makati Shangri-la Hotel na dapat ako. Well, doon naman talaga ako dapat matutulog kung hindi lang ako hinila ni Ezra!
Dumako na ako sa kusina. From there nagpasya na lang akong mag-palaman ng tinapay. Nanghihina kasi ako sa kilig para magluto. And as if naman marunong talaga ako?!
I concluded my time with just creating a tower of nutella sandwich. Pinagpapatong-patong ko ang mga bread hanggang sa tumaas ito nang isang dipa.
Lumapit na akong muli kay Liv. Napapangiwi, nag-aalalangan akong gisingin siya. May ilang minuto siguro muna ang ginugol ko sa pag-atras at abante bago ako nakapagsalita!
"Uhm, Liv? Gising ka na." I called pero wala lang iyon sa kanya. Nagpatuloy siya sa pagtulog.
"Liv?" Ulit ko. Sinamahan ko na ito ng pagkulbit sa balikat niya.
Iyon na ang oras na iminulat niya ang kanyang mga mata. The moment he met my eyes, nagpakawala ng kusang ngiti ang mga labi niya. Napalunok tuloy ako. Napakagandang view naman nito! Tulong!
He blinked for a moment. Para bang pinoproseso niya pa sa utak kung nananaginip ba siya o totoo na talaga 'to.
"Happy birthday." He first mumbled, still smiling.
Napaatras tuloy ako. Siya naman ay umupo na. "Thank you." I replied while looking away.
For a moment, we were invaded by silence. No one is speaking up. Tanging iyong tunog lang ng aircon ang maririnig.
Kaya ako, naturungan na madadal, ang pumutol sa katahimikan. "Uhm," I started, natatakot akong baka mautal talaga ako! "Breakfast na tayo. Maaga kasi ang call time ko sa venue. Marami pa akong photoshoot and such na gagawin."
He only nod like a cooperative kid. Tumayo na siya at naglakad patungo sa kusina. Tahimik at nakatungo naman ako noong sinundan ko siya.
Wala pa ring nagsasalita sa amin noong magsimula na akong isubo ang nutella sandwich. Punong-puno ang bibig ko habang ngumunguya nang mapadako ako sa direksyon niya.
Swear, muntik na talaga akong mabulunan!
Shiyet.
Bakit ganito naman makatingin ang lalaking 'to?
Pakening shiyet.
Bakit parang gusto ko siyang dalhin sa kwarto ko?! Charot!
"Hmm? Anong meron?" I swallowed first before I give him a forced sense of confusion on my tone. I may look calm right now, pero gusto ko na lang talagang mag-twerk sa ibabaw ng lamesa dahil sa kilig!
He chuckled. Matapos ay hindi niya talaga ako sinagot! Nagpatuloy siya sa pagkain kaya ginaya ko na lang din siya. Ewan ko ba sa lalaking 'to, minsan madaldal, minsan kung ano-ano sinasabi. Kaunti na lang talaga, dadalhin ko na 'to sa kwarto para-- ano ba, Grace!
At napuno na naman kami ng katahimikan. Pero dahil nga madaldal ako at hindi ko mapigilan ang bibig ko sa pagbukas, tinanong ko na naman siya. "About last night--"
"Let's talk about it later." He cut me off. Right now, he is staring at me as if am I the girl that he wanted to wait at the end of the aisle. Inamers! Pinanghihinaan talaga ako sa titig ng lalaking 'to! "Enjoy your event for now."
Tumango na lang ako at nagpatuloy sa pagkain. Pinili ko na lang na 'wag magsalita hanggang sa pareho na kaming matapos sa pagkain.
Hindi na talaga ako nagsalita hanggang sa mahugasan ko na lahat ng pinggan. Si Liv naman ay busy sa pag-ce-cell phone, papaturo sana uli akong mag-hugas. Charot!
"Let's go?" He asked noong matapos na ako. I only nod my head at him. Wala naman na akong dapat dalhin pa dito dahil lahat ay nasa hotel room ko na doon sa Sharing-la.
Lumabas na kami.
At halos magulantang naman ang mundo ko noong masarado ko na ang pinto! Lord, thank you po! Biglang hinawakan ni Liv ang kamay ko. Naramdaman ko ang init at kalambutan ng kamay niya. He is holding my hand as we walked towards the elevator.
Kaya heto ako si marupok, kilig na kilig!
***
"Mukhang totohanan na yata 'to, ah?" Affle asked me as we both watch Liv. He is being asked by all of the media na in-invite ni Mother Lizly na mag-cover ng debut.
"Hope so." I answered with a smile on my face. Hindi ko inalis ang tingin kay Liv na ngayon ay napapangiti habang minu-minuto akong sinisilayan.
"Nawala lang ako sa showbiz, naku may himala nang nangyari." Affle continued. Ang loka, parang kinikilig pa kung makangiti sa akin.
Affle is actually my first best friend dito sa showbiz industry. Lagi ko siyang kasama sa lahat ng acting workshop na nasalihan ko. But one day, she thought that showbiz was not for her. Kaya ayon, she quitted and just chose to focus on her studies.
I only gave her a proud smile when my stylist started to call for me. I politely said good bye to all of the media before I followed my stylist towards the other room.
Ilang oras na lang kasi ay magsisimula na ang debut ko. It's already seven in the evening kaya lahat ay parang natataranta na. Si Mother Lizly nga, hindi ko na mahagilap. Siguro busy na naman iyon sa venue. Nageentertain siguro ng mga bisita.
"Your make up suits you, madam." Malambot na sabi sa akin ni Benedict. Iyong sikat na designer na siyang gumawa ng Filipiña ball gown ko. "Suot na natin sa 'yo?"
I rewarded him a genuine smile as I nod. Doon ay nagsimula na akong hubarin ang robe ko. Nakasuot na lang ako ngayon ng tube at denim short.
Hindi naman nagtagal ang pagsuot sa akin ng gown. It took us a few minutes for me to finally be at my gown.
From the mirror, I can clearly see a version of me that I never thought I'd see on this lifetime.
My make up is subtle as I wanted it to turn out. Ayoko nang sobra. Gusto ko, iyong simple lang. Iyong para bang wala akong make-up.
My hair is in messy bun. May mga yellow flowers na nilagay sa buhok ko iyong hairstylist. Sobrang ganda nitong tignan sa akin dahil para bang nagkikinangan ang mga ito sa tuwing mapapatapat sa ilaw.
And my Filipiñana ball gown is just everything. It was yellow. Ang katawang bahagi nito ay binurdahan ng pattern ng sampaguita. It was sparkling. Umabot iyon hanggang sa palda na umabot naman hanggang sa sahig ang haba.
Right now, I look like a Filipino princess.
I am blinking as I watch myself be stunned by how I looked tonight.
"Anong masasabi mo sa jowa mo, Liv?" Benedict suddenly mumbled after we heard the door opened.
When I turn my face at Liv, I was rewarded by nothing but an amazed gaze on his eyes. From seconds to seconds, I saw how his smile grew as he travel his eyes from my gown and then finally, to my face.
He is smiling the widest smile that I've ever seen from him when he said, "Gorgeous as always."
Lumapit siya sa akin. Ako naman ay ngiting-ngiti noong bigla niya akong hinawakan sa kamay. Then he pulled me for a hug. Until his lips landed on my forehead.
I was smiling the whole time as he told me to enjoy my night and that he will never leave my side until this night is over.
***
My debut is currently going smoothly. At doon na talaga ako naluha sa eighteen candles. Mga siraulo kasi ang mga kaibigan ko! Hindi ko alam na magiging ganoon sila ka-drama pagdating sa speech!
Sabi ko kasi sa kanila, okay lang kung maging balahura sila tonight. Ayoko kasing umiyak nang umiyak. Ayoko talaga ng drama kahit best drama actress ako!
But yeah, siguro this debut would go smoothly until the end if Mom attended it. Pero wala. Walang Mom ang nagpakita sa akin. Dad told me that Mom won't make it. I didn't ask why. Alam ko na naman kasi iyong dahilan. Kailangan ko na lang talagang mag-handang salubungin ng mga issue bukas dahil dito.
"What are you thinking?" Ezra asked me. Right now, we are dancing in the middle of the floor as the song Ocean Eyes by Billie Eilish played.
I stare at his deep brown eyes. Nakakatuwang nag-ayos ng buhok ang loko. Hindi na siya kulot. "Mom." I shortly replied as I saw how Ysabelle talked with our other friends. For sure, mawawala ang babaeng iyan after this party. Naku, hotel pa naman itong venue.
"Don't mind her, she's just hurt lang siguro."
I pouted. "Hurt? So gan'on lang pala 'to? Gantihan lang pala?" I gave him a sarcastic smile while swaying my head. I am mockingly chanting, "Ang saya. Ang saya saya talaga."
He chuckled when he nodded. "Isa pa nga. Mukhang tanga." Kung wala lang talagang nanonood sa amin, kanina ko pa siya nahampas.
When the music stopped, that was the cue for Ezra to pass me to my last dance. And then when the song Panalangin by Magnus Haven started to play, I saw how Liv walked to the dance floor like a fashion model.
Aking sinta, nabihag mo itong puso ko.
Nakita ka, aking mundo'y tila nagbago.
Nakabarong siya. It has a yellow fading design on it. Kanina ko pa siya nakitang nakasuot nito pero bakit ang gwapo pa rin niya sa piningin ko? Bakit-- argh! Bakit ang sarap jowain?!
Lumapit siya sa amin ni Ezra. Ezra is smirking at him as he hands my hand to him. Hindi naman siya pinansin ni Liv kasi veh, sa akin lang siya nakatingin the whole time. As in. Iyon titig niya, nakakatunaw; nakakapanghina ng tuhod sa kilig.
May isang anghel, bigay ng langit, walang papalit.
Maamong mukha, walang hihigit, sana nga'y iyong dinggin.
"Finally," he began as he placed my hands on his broad shoulder blades. Dinala naman niya ang kanyang mga kamay sa beywang ko, "it's my turn."
Nakagat ko tuloy ang ibabang labi ko para pigilan ang mapangiti nang malala. The last thing I want to see on the newspaper tomorrow is my face na para bang may binabalak na masama sa kanya!
Panalangin, mapasa'kin
Ang iyong ngiti, ang iyong halik.
"Before this night ends, I just want to ask you something." He suddenly mumbled.
I was blinking when I answered, "Sure." Pilit kong tinatago ang saya dahil ayoko talagang magmukhang may masamang balak sa kanya!
The lights are dim. The spotlight is centered to us. The whole place is quiet as Magnus Haven's song continued to play.
And so far, I didn't expect that those three were all that I need in order for me to finally chase my . . . perfect right timing.
Panalangin, mapasa'kin
Ako'y sabik sa iyong lambing.
"Can I court you?" Liv said as he continued to intently eye me as if no one can ever be his potential end game but me.
I gasped.
Natigalgalan ako.
Napapakurap ako noong nagpatuloy siya. "I can't promise a pefect relationship. But I will promise that I will try my best to be the best boyfriend that you could ever have."
Sa ilalim ng buwan, pinangako'y walang hangganan.
Nawa'y ito'y bigyan ng pansin, ang aking hiling.
Humugot siya nang malalim na hininga. Halatang kinakabahan siya. "So, please. Can you let me prove that I am worthwhile for you?"
Sa sinabi niya, nag-butil ng luha ang mga mata ko. Kasabay ng pagdagundong ng puso ko ang ginawang pag-unahan ng mga luha sa mga mata ko. Liv is so quick to wipe my tears but to no avail, hindi naman kasi natapos ang luha ko. Nagpatuloy lang ito nang nagpatuloy.
It was now my turn to speak.
"Liv," I swallowed hard. I wanted to calm myself. I wanted this scene to contineously turn perfect. I don't want to ruin this, "alam mo naman siguro kung gaano ako karupok pagdating sa 'yo, 'di ba?"
He blinked. Confusion is evident on his eyes.
"Alam mo naman kung gaano ako ka-fall sa 'yo. Kung gaano ako kapatay na patay sa 'yo."
I pulled a deep breath as I continue to focus my gaze at my favorite person, "Hindi mo na ako kailangang ligawan."
Oo, ako na ang marupok.
Oo, ako na ang padalos-dalos.
Oo, ako na ang nagmamadali.
But right on that moment, all I wanted was him . . .
"So, sinasagot na kita." I blink my tears away. Bumuga ako ng hangin, "tayo na. Boyfriend na kita."
I clearly saw how his mouth goes slack for a moment. He has this widened eyes as he blinked. Matapos ay noong parang marealize niya kung ano ang sinabi ko, napayakap na lang siya sa akin nang mahigpit. Agad ko namang tinugunan iyon ng mas mahigpit pang yakap.
Shet.
Shet.
Shet.
Thank you, Lord!