Episode 16

1464 Words
#BTSEp16 "Oh, anong ngini-ngiti ngiti mo diyan?" Bungad ko kay Czearine noong makaalis na si Liv. "Wala, ate. Kinikilig lang ako." She beamed at gusto ko siyang saktan! Isa kang malaking sagabal sa kissing scene namin kanina ni Liv, alam mo ba 'yon?! "Lume-level up ka na, ate." Nagulat ako noong bigla niya akong sinundot sa tagiliran. Aba! "May paghatid-hatid na. Ayie." Ngiting-ngiti pa rin siya na akala mo, siya ako noong akmang hahalikan ni Liv! "Baka ang sunod niyan, buntis ka na. Ayie." Muntik na talaga akong mahimatay sa narinig! Aba, may alam na ang babaeng ito sa buntis-buntis na 'yan?! "Saan mo naman natutunan iyang ganiyang mga linyahan, babae?" Naubo siya nang malala. Matapos ay ibinaling niya sa ibang dako ang paningin. Tila bang hindi handa sa tanong ko. "Ate, pasok ka na! Kanina pa naghihintay si Ma'am Margaret sa loob!" Pagbabago niya ng topic. Pinaningkitan ko lang naman siya ng mga mata. "May jowa ka na ba?" Nakita ko kung paano namula ang mukha niya. Matapos ay para siyang nabilaukan noong pabiro ko siyang sinakal. "Subukan mo lang talaga, Czearina. Mapapatay kita! Bawal ka pang mag-jowa! Sinasabi ko talaga sa 'yo!" "Wala naman akong jowa, ate!" Obvious ang pagsisinungaling niya. Siraulo 'to! Mahuli ko lang talaga 'tong nakangiti sa harap ng cell phone, babasagin ko talaga 'yon sa harap niya! "Ate talaga! Kung ano-ano ang iniisip!" Hinila niya ako papasok ng mansion. Nakasimangot pa rin ako sa kanya habang siya naman ay awkward akong pinagtatawanan. May araw ka rin sa akin! Noong makapasok na kami sa loob ng bahay ay nag-iba agad ang mood ko. Hindi ko talaga alam pero parang may kakaiba kapag nandito sa bahay si Mom. Nakaka-intimidate na siya. Ang layo-layo na niya sa akin. Ramdam ko pa rin na masama ang loob niya sa akin. Ayaw niya kasi talaga akong mag-artista. She wants me to take up Law. She wants to be just like my Dad. But I know for a fact na hindi ko naman iyon kaya. At hindi ko nakikita ang sarili kong maging Lawyer sa future. The heck? Hirap na hirap na nga akong hanapin ang totoong gusto ko sa future tapos heto, magdadagdag pa ako ng sakit sa ulo? Ang maging Lawyer ay never ko talagang ginusto at hindi iyon tanggap ni Mom. Kaya magmula noong tinapat ko siyang hindi ako magpe-pursue ng Law, para bang naging hangin na lang ako sa kanya. In a way, para ko tuloy na-feel na tinakwil na niya ako. Czearine bid her good bye at me the moment na nakapasok kami. Mom doesn't want me to be friends with our maids. At hindi nakaligtas doon si Czearine. Lagi siyang minamata ni Mom everytime na dumidikit siya sa akin. Para wala na lang gulo, I told Czearine to just stay away from me kapag nandiyan si Mom. I heaved a sigh as I decided to gravitate my feet towards the kitchen. Doon ay narinig ko sina Mother Lizly at Mom. They were having a chitchat as if they are friends for like, forever. "Oh, nandiyan ka na pala hija." Mother Lizly gave me a smile. I smiled back at her when I reach for her face. Nakipagbeso ako sa kanya. Matapos ay kay Mom naman ako nagtungo. She is now on her usual elegant make up with a perfectly well done short hair. She is looking younger than her age. Ngiti na lang talaga ang kulang. Nakipagbeso ako sa kanya noong ramdam kong pilit ang ngiti niya sa akin. Nagpasiya na lang akong h'wag siyang intindihin kasi sa huli naman, ako lang ang mahihirapan. Ako lang iyong kikirot ang dibdib. Umupo na ako doon sa upuan na nasa harap ni Mother Lizly. Nakapwesto si Mom sa superior side of the table. It's as if she is our queen. Mother Lizly and I were her slave. "Okay. Pag-usapan na natin ang tungkol sa debut mo, mija." Mom is now throwing me a cold look. When I stare at Mother Lizly, she is signalling me to just tone down. This is her thing. She wants me to respect Mom at all cost. Kahit na ang irrational na daw ni Mom, I still need to consider my relationship with her. After all, kung wala naman daw siya ay wala rin ako. But, I don't approve of that context. Mom bringing me to this world is not my thing anymore. It was her responsibility. I wasn't brought here to gratify her for the things that she must do. "Sure, Mom." I said, expecting for something worst to come from her mouth. Nasanay na lang talaga kasi akong 'wag mag-expect ng maganda sa kanya. "I don't want Liv to be your last dance." She suddenly mumbled and that automatically made her earn a raised eye brow from me. "Mom, I already told you that it can never happen. Magtataka ang public kapag iyon ang nangyari." I tried to calm down. Right now, Mother Lizly is glaring at me as if me throwing a tantrums right now is a mortal sin. Sa totoo lang, parang mas nanay ko pa talaga siya keysa sa totoo kong nanay. Nakakainis lang. "Mabilis namang lilipas ang issue na 'yan. At ano bang pakialam nila? Iyon ang gusto ko. Iyon ang dapat mangyari." Mom is staring at me with her eyes that are telling me that her bactracking to her firm decision is not going to happen. Napapikit ako sa pagkairita. "Mom," Patago akong humugot ng iritadong buntong-hininga, "debut ko ito. Pwedeng bang ibigay mo na lang sa akin 'to? Pwede bang desisyon ko lang iyong masunod dito?" "Tama po, Ma'am." Pag-singit naman ni Mother Lizly. Ramdam niya sigurong anytime, magkakasagutan na naman kami ni Mom. Well, that was a thing na matagal na niyang nasasaksihan sa pagitan naming dalawa. "Ibigay na po muna natin kay Asia iyong gusto niya for her debut! Regalo mo na lang sa kanya, ganiyan." Mother Lizly is trying hard to sound energetic, pero ramdam ko, natatakot na talaga 'yan. I am still a minor kasi and si Mom ang guardian ko. Kaunting maling kilos lang, pwedeng i-end ni Mom ang contract ko sa kanya. She has all the money to waste just for the breach of contract case, after all. Tila bang pinagpawisan nang malamig si Mother Lizly noong tinignan siya nang masama ni Mom. "I am not going to backtrack." Then she averted me an obnoxious and bitchy stare. "I will never let Liv to have the most special spot of your night. He doesn't deserve it. He doesn't deserve you." Well, sorry Mom. But I will never let you ruin it. Liv is going to be my last dance and you disapproving it is just like a journey with no value. Wala ka nang magagawa. Buo na ang desisyon ko. Liv is going to take all of the special moments of my birthday, that's for sure. "Mom," I started with a cold tone. I equal the bitchy tension on her gaze, "I am telling you this. Kapag hindi ka pa pumayag na maging last dance ko si Liv, hindi ako aattend sa sarili kong debut." Napapikit si Mother Lizly. Halata ang labis na takot sa kanya noong mapansin ko kung papaanong namula sa galit si Mom. "Ipapahiya kita, Mom. I am sorry but I am willing to take down that road just for my night to happen as what I want it to turn out." Tumayo na ako. Iritado akong ibinaling ang tingin palayo sa nagtatangis na mukha ni Mom. Matapos ay dismayado muna akong humugot ng malalim na hininga bago naglakad. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Natagpuan ko na lang ang sarili kong lumalakad palabas ng mansion. Czearine was about to ask me when she sensed na wala ako sa mood. She automatically left me as I went outside of the mansion. Ngayon, sa sobrang inis ko ay hindi ko na talaga alam kung saan ako pumupunta. I found myself dragging my feet towards the park. Walang katao-tao dito noong umupo ako sa bench. Iritado pa rin ako noong sumandal na ako. Nakakainis na talaga! Ano bang tingin sa akin ni Mom? Mukha pa rin ba akong kinder garten? Bakit ang desisyon niya?! Bakit ba nangingialam siya sa mga choices ko sa buhay? Kaunti na lang talaga, magtataka na ako kung sino pa ba ang may ari ng buhay ko?! Siya yata?! Nakakairita lang! "Aish," I mumbled. Trying to let the bad mood to go out of my system. Then I felt a weight from my side. Someone just sat beside me. Agad kong ibinaling ang tingin sa kanya. Napanganga na lang talaga ako noong makita ko si Liv. He is staring at me with his eyes meeting mine as if we have a connection brought by fate.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD