“Miss! Sinabi ko na nga sa’yo hindi ‘yan yong price na nasa rack! Bakit kayo maglalagay ng amount sa item na hindi naman pala yon ang price?” Bulyaw ng isang babae sa cashier.
It’s 7 in the morning, hindi pa ako nagkakape at ito ang bubungad sa akin pagpasok na pagpasok ko sa production. I’m working as a supervisor in one of the biggest supermarkets in our country, Alpha. Sa aking paglalakad papalapit sa nagrereklamong customer palakas nang palakas din ang boses nito. Sa tantiya ko nasa mid 30’s ito, mukhang nakakaangat sa buhay at may maayos na trabaho.
Being in a customer service means you are a frontline warrior. Our duty is to pacify frustrated customers which happened all the time. Iba’t ibang klaseng reklamo ang matatanggap ko, may moderate to severe at karamihan mga senseless. Minsan pakiramdam ko may mga mental issues sila and they choose to cause ruckus to get attention. May araw na nagpapasalamat na lang ako sa mga pangugungutyang natanggap ko mula noon hanggang ngayon kasi naging normal na sa akin ang insultong binabato ng customer kada haharap ako.
“Ma’am, I’m sorry. We can give you 5% discount for this item as compensation for what happened.” Sabi ko na pumasok na sa eksena.
“What? Five percent of 300 is just fifteen,” paunang sabi niya na may diin sa bawat salita, “I took this item sa lagayan na may label na 250 pesos, are you guys deceiving us?”
She’s talking about small jars of mayonnaise at limang piraso ang nakaline up sa counter. Hindi na magawang iangat ng cashier ang ulo niya dahil sa pagtataas ng boses ng customer.
“Ma’am, I understand your concern mayroon lang pong confusion regarding sa prices ng item.” Hindi pa ako tapos sa sinasabi ko nang magsalita siyang muli.
“Excuse me? Confuse? Miss, I believe that you are a supervisor and I’m hoping that we can have an intellectual conversation.”
Wow! What a word, do we really have to end in such conversation? I’m not an intellect person, so pass.
“You think that I’m just confuse with what I saw? Do you want me to get the tag?” Aniya na di ko na nabilang kung ilang facial expression ang ginawa niya.
“Ma’am updated po ‘yong prices sa system and we follow kung ano man ‘yong lumalabas. But if you want, I can double check the price - “
“No, I’ll get the tag,” She insist. Nagmadali siyang naglakad palayo sa counter at tinungo ang aisle kung saan niya kinuha ang mayonnaise.
So, I followed her and she finally stops in front of the mayonnaise shelf. Kunot-noo niyang tinitingnan ang tag. Napaisip din ako kung bakit bigla siyang nanahimik kaya naman lumapit ako. Same brand, same mayonnaise but the weight is different. Ang price na 300 for 470ml and 250 for 250ml ay nagkabaliktad. Alam kong napahiya na siya and judging her likes alam kong hindi siya magpapatalo.
“Bakit kayo naglalagay ng maling tag? What if the customer just picks up the item based sa price na nakalagay sa tag niyo and then pagdating sa counter they didn’t expect the total amount?”
Just like what you did? Aaminin ko may mali kami dapat nga naman tinitingnan nang mabuti ng mga staff ang mga price label na nilalagay nila. But why don’t you just say sorry kasi nagkamali ka rin naman dapat binasa mo kung ano ang description na nakalagay sa price label bago ka nag-assume na ‘yon ‘yong price.
Of course, I’m in this industry and customer’s always right kaya mabuting sarilihin ko na lang ang opinion ko.
“Pasensya na ma’am. I’ll inform my staff na ayusin ang mga price label and make sure na inline sa correct item.”
“Maybe, you should have said that earlier so none of this will happen. I guess you as a supervisor lacks a sense of responsibility for your duty. Ugh! Lower people always do this.” Sagot niya na may kasama pang pag-ikot ng mga mata atsaka bumalik sa counter.
Napabuga ako ng malalim na hininga sa mga sinabi niya. Lower people. Tinawag niya kaming lower people. Ganiyan ang mga taong self-entitled mga nasobrahan sa self-esteem and think that they’re better than anyone. Arrogant.
Wala na akong magagawa sa mga taong lumaki ng hindi tama. Mabuti na lang at natapos na kami sa diskusyon namin na sa palagay ko ay umabot ng kinse minutos. Going back sa pagkakamali ng staff ko, pinatawag ko sila sa stock room upang mapag-usapan ang kailangang gawin.
Alpha is a well-known supermaket dahil pagmamay-ari to ni Edward Lee na siyang pioneer at icon ng mga malls sa bansa. Because of being well-known and standardize supermarket most of our customers are middle class. Unfortunately, some of them are real assholes who think they’re above anyone just because they are professionals.
Anyway, I’m standing in front ten boys dahil shifting schedule dito at sila ang nasa morning shift. Hawak ko ang papel na may lay out print ng mga racks at kung anong mga item ang naroon sa bawat aisle.
“Boys, siguro naman aware na kayo sa nangyari kanina. We can’t let this happen again and again.” Panimula ko.
Bawat isa sa kanila may kani-kaniyang direksyon ang tingin. Sa palagay ko hindi nila ako naiintindihan, ito yong sinasabing pasok sa isang tainga labasa sa kabila.
“I want you all to check each rack and make sure na lahat ng price label ay tama. Ayaw kong makakita ng isa sa inyo na naglulugaw dito sa stockroom.” Utos ko sa kanila.
Basang-basa ko na sa mukha nilang hindi sila natuwa sa sinabi ko dahil sa kani-kaniyang expression na pinapakita nila ngayon. Hindi nila gusto ang ganitong trabaho dahil nakakalito raw at masyadong matagal. Wala ni isang umimik kaya nagpatuloy ako sa sinasabi ko.
“Make sure na gagawin niyo ang sinabi ko dahil mag-iikot ako mamaya. Ayaw kong makarinig ng kahit na anong rason.” Iniabot ko ang papel sa lalakeng nasa harap ko at pinagpasa-pasahan nila iyon.
“Tandaan niyo ang page number sa papel na yan kasi babalikan ko kayo mamaya para malaman kung talagang ginawa niyo ang trabaho niyo. You can go back now.”
Isa-isa silang matamlay na lumabas ng stockroom na akala mo ay binagsakan ng langit at lupa. Nang wala ng natira’y sumunod akong lumabas at nagtungo sa customer service area kung saan nagpupunta ang mga custmer kapag may issues sila sa item na nabili na nila. Dito rin dinadaan ang mga malalaking item na binibili nila na kinakailangan ng assistance sa pagbitbit. Most importantly nandito rin nakalagay ang mic na nagko-callout ng mga staffs at customers. Ito yong mga naririnig niyong ‘Paging paging customer A to the customer service area please’.
Kakaupo ko pa lang sa harap ng computer para sana mag-ayos ng schedule nang dumating si Chris. Suot na naman niya ang napaka-plastic at nakakairita niyang ngiti. Si Chris ay isang matangkad na lalake, maputi at toxic na manager.
“Good morning, sir.” Nakangiting bati sa kaniya ng customer assistant na siyang katabi ko. Dito siya nakadestinong magbantay at aalis lang pag kailangan.
Ang mga babaeng nakapwesto sa area na ito ay ang pinakamagaganda naming regular employee na siyang tumutulong din sa mga cashier kapag sobrang dami ng customers. Sila yong mga paminsan ay nag-iikot sa loob ng production, suot ang sumbrero kahit nasa loob ng close area at may kasama pang sash na akala mo’y rarampa sa pageant.
“Good morning, ganda!” buhay na buhay na sagot ni Chris sa kasama ko atsaka ibinaling ang tingin sa akin.
“Ms. B! Balita ko may nagreklamo na namang customer. Anong nangyari?” Tumataas pang kilay niyang tanong.
“Sir, dahil ‘yon sa maling price label.” Sagot ko.
Kung may itataas pa ang kilay niya baka umabot na sa bunbunan niya. Nakatabingi ang ulo nitong nakatitig lang sa akin at saka binigyan ako ng nakakainis na ngisi.
“Panay ka ikot sa loob ng production pero hindi mo nagawang mapansin ang mga price label?”
Tinapik niya ang counter at muling umayos ng tindig.
“Ayusin mo ang trabaho mo,” anito, “Hay! Kaya nga ba kailangan ko ng magandang supervisor para kahit na magkamali hindi ako nagagalit ng ganito.” Patuloy niyang sabi at saka naglakad palayo.
Narinig ko ang tahimik na pag bungisngis na babaeng katabi ko na akala mo’y may nakakatawa. Taas-kilay ko siyang nilingon na nakatayo isang dipa ang layo sa akin.
“May nakakatawa?” kalmado kong tanong.
Kalmado lang ako pero deep inside gusto ko ng sumigaw at manapak. Umiling-iling lang siyang sumagot sa akin at nawala ang ngiti sa kaniyang mukha.
Ito ngayon ang buhay ko, ang buhay ng isang 27 years old unattractive woman na kahit kailan hindi pumasa sa pamantayan ng kagandahan sa mata ng lipunan.