Chapter 2

1631 Words
TAHIMIK na sumunod si Terra sa kanyang boss. Lalo na't ito ang nagbigay sa kanya ng pera na naipadala niya sa kanyang pamilya sa probinsya. Alam ni Terra na may malaking kapalit ang perang ibinigay sa kanya ni Jelly, kaya inaasahan na nitong may hihinging kapalit ang dalaga. "You're virgin naman, right? Don't you dare lie to me. Malalaman ko rin maya-maya after your test came out," pabulong tanong ni Jelly dito. Napalunok si Terra na marahang tumango. Kabado at hindi makatingin ng diretso sa mga mata ni Jelly. "Opo, ma'am. B-birhen pa po ako." Nauutal nitong sagot. "That's good to hear. At least hindi sayang ang perang ibinigay ko sa'yo." Saad ni Jelly na may kamalditahan ang tono. Napayuko si Terra. Hindi na sumagot sa dalaga. Nasa loob sila ng silid at hinihintay ang test result nito. Ngayon ay may idea na siya kung bakit siya isinama ni Jelly sa hospital. Para ipasuri siya kung birhen pa siya o hindi na. Kabado ito sa mga naiisip. Hindi siya tanga para hindi mahimigan ang plano ng boss niya. Kaya natatakot siya na baka. . . baka ibenta siya ni Jelly sa isang matandang may pera kapalit ng puri niya! Napapahid ito ng pawis sa noo. Ngayon niya lang naisip na masyado siyang nagpadalos-dalos. Pero huli na ang lahat. Dahil naipadala na niya ang pera at wala naman siyang mapagkukuhanan ng gano'n kalaking halaga para ibalik ang pera ni Jelly. "Bahala na. Siguro naman ay isang gabi niya lang ako ibebenta. Para sa kapatid ko. Titiisin ko na lang," piping usal ni Terra na naikuyom ang kamao at nangingilid ang luha habang nakayuko. "She's clean, Ms Delavida. Here's her result." Saad ng docto na sumuri kay Terra. Napangisi naman si Jelly na tumayo. Inabot ang papel at binasa ang result ni Terra na nakapangalan. . . sa kanya! "Nice! Good job, Calvin. Maaasahan ka talaga. Thank you!" kinikilig na saad nj Jelly sa doctor at hinagkan pa ang test result. Natawa naman ang kaibigan niyang doctor sabay iling. "Mag-iingat ka pa rin, Jelly. Alalahanin mong si Terra ang virgin at hindi ikaw. Paano mo mapapatunayan ang sarili mo sa lalakeng iyan na ikaw talaga ang may-ari sa result na 'yan, hmm?" pagpapaalala ng doctor dito. Ngumisi naman si Jelly, bumaling kay Terra na nasa upuan. Tahimik at nakayuko. Napasunod ng tingin ang binata sa tinitignan ni Jelly at napailing na mahimigan ang plano ng dalaga. "E 'di siya ang papupuntahin ko, Calvin. Isang gabi niya lang naman matitikman ang Joshua Madrigal ko, kapalit no'n. . . malaya ko na siyang makakasama. Dahil sa mga susunod na gabi? Ako na ang magpapaligaya sa baby boy ko. Medyo nakakaselos kasi matitikman niya ang baby boy ko pero. . . iyon lang ang tulay ko para mapasa akin si Joshua e. Tiisin ko na lang at isang gabi lang namang may mamamagitan sa kanila." Saad ni Jelly dito na napailing. Napapalunok naman si Terra. Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa sa narinig! Tumulo ang luha nito na nananatiling nakayuko. Pakiramdam niya ay napakalupit sa kanya ng mundo dahil mahirap lang siya. Kung may sarili lang sana siyang pera? Hindi niya tatanggapin ang pera ni Jelly na kapalit ang puri niya! Kahit mahirap lang sila, iningatan nito ang katawan at wala pa ni isang lalake ang nakahawak o halik sa kanya. Pero heto at sa gan'to niya lang pala maisusuko ang kalinisan. Sa hindi kakilala at ang masaklap? Ginawa siyang pambayad! "Siguraduhin mo lang na hindi ka mabubulilyaso, Jelly. Alalahanin mong ako ang nag-examine sa'yo. Madadali ako kapag nabisto ka nila," paalala ng doctor dito. "Don't worry, Calvin. Ako naman ang nakalagay dito sa result e. Ako na ang bahalang dumiskarte kung paano maikakama ni Joshua ang Terra na ito na hindi siya nakakahalata. Isa pa, hindi pa ako kakilala ni Joshua kaya wala tayong dapat ipangamba." Kumpyansang sagot ni Jelly dito na tumango. MATAPOS nilang makuha ang results, bumalik na ang dalawa sa mansion. Nagpatuloy din si Terra sa trabaho niya doon. "Terra, ayos ka lang ba, anak?" tanong ni Mercy na isa sa mga katulong sa Delavida. Pilit ngumiti si Terra na tumango sa ginang. Natutulala kasi ito sa oras ng trabaho. Iniisip niya ang mga napag-usapan nila Doc Calvin at Jelly kanina sa clinic ng doctor. "Opo, Ate Mecy. Okay lang po ako. Inaalala ko lang po ang kapatid kong nasa hospital." Pagkakaila ni Terra dito na tumango-tango. "E kumusta na nga ba ang kapatid at ina mo doon? Hindi ba't bulag ang nanay mo? Paano siya makakagalaw doon, Terra?" magkasunod na tanong ng ginang dito na napailing. "Nakaalalay po 'yong pinsan ko kay nanay, ate. Kung sa bahay lang, kayang-kaya po ni nanay ang sarili at gawain. Dahil sanay na siya. Pero sa loob lang po ng bahay ang gamay niya. Kaya pinakiusapan ko ang isang pinsan ko na kapitbahay lang namin na samahan ang nanay. Pumayag naman siya lalo na't hindi ako makakauwi. Walang aasikaso sa ina at kapatid ko sa hospital," sagot ni Terra na nangilid ang luha na maalala ang pamilya niya. Gustuhin man niyang umuwi sa kanila ay hindi naman niya magawa. Bukod sa wala siyang pera, tiyak na hindi rin papayag si Jelly hangga't hindi pa natatapos ang deal nilang dalawa para makabayad ito sa dalaga. "Magiging maayos din ang lahat, anak. Tatagan mo lang ang loob mo, hmm? May awa ang Diyos sa atin. Lalo na sa mga katulad mong may mabuting puso. Hwag kang mainip dahil lahat ng dasal natin, naririnig ng Panginoon." Pagpapalakas loob ng ginang kay Terra habang hinahagod-hagod ito sa likuran. "Salamat po, ate. Tama kayo. May hangganan din ang pagsubok na ito." Pagsang-ayon ni Terra na pilit ngumiti at pinasigla ang boses. DALAWANG araw ang nakalipas magmula nang ipasuri ni Jelly si Terra. Naging kampante na rin ang loob ni Terra dahil umayos na ang kalagayan ng kanyang kapatid na nasa hospital. "Saan po ba tayo pupunta at kailangan kong magkuskos ng katawan, ma'am?" tanong ni Terra sa amo. Naiilang siya dahil kasama niya sa shower room si Jelly. Ito na mismo ang nagpaligo sa kanya at sa shower pa mismo ni Jelly! Hindi nito maiwasang mamangha sa loob ng silid ni Jelly, lalo na sa banyo nito. Napakalaki kasi ng banyo nito na mas malaki pa sa kanilang silid sa maids quarter nila. May sarili din itong bathtub sa banyo na isang oras pinababad si Terra doon. Hindi pa nakuntento si Jelly kaya heto at pinapaligo niya si Terra sa shower na pinapakuskos maigi ang bawat sulok ng katawan nito! "Hwag ka ngang maraming tanong. Isipin mo na lang, babayaran mo na ako ngayong gabi, Terra. Hwag na hwag kang magkakamali sa harapan ni Joshua. Higit sa lahat? Ayusin mo ang pananalita mo. Kung kinakailangang hindi ka magsasalita? Gawin mo," masungit na sagot ni Jelly dito. Napahingang malalim si Terra na hindi na lamang sumagot. Kabisado niya kasi ang ugali ni Jelly. Maikai ang pasensiya nito at may pagkakataon na naninira ito ng gamit o nananakit kapag ito ay nagalit. Matapos maligo, tinuyo din ni Jelly ang buhok nito. Inayusan din niya ang dalaga at pinahiram ng kanyang limited edition dress at shoes. Ayaw niya sanang ipagamit ang mga iyon sa isa nilang katulong, pero wala naman siyang choice. "Ako na ang bahala kung paano tayo makakapasok sa silid na hindi makikita sa camera na dalawa ang pumasok. Basta siguraduhin mong hindi bubuksan ni Joshua ang ilaw at hindi niya makikita ang mukha mo. Oras na nakatulog na siya? Pwede mo na kaming iwanan doon. Ako na ang bahala sa mga susunod na eksena. Umuwi ka at siguraduhin mong walang ibang makakapansin sa'yo na lumabas sa silid," pagpapaalala ni Jelly dito na tumango na lamang. Matapos siyang ayusan ni Jelly, nilagyan din siya nito ng perfume sa halos buong katawan. Humahalimuyak ang bango niya dahil halos pinaliguan na siya ni Jelly ng mamahalin niyang pabango! Napasuri si Terra sa sarili nito sa salamin. Nasa harapan sila ng vanity mirror ni Jelly. Lihim itong napangiti na mapasadaan ang sarili sa salamin. Halos hindi niya makilala ang sarili na ngayon lang siya naayusan at nakapagsuot ng magara at sexy na dress! Strapless ang suot niya na kulay puti. Malambot at madulas ang tela nito na bumagay sa kanya. Hapit din sa katawan niya ang dress kaya kitang-kita ang kurbada ng pangangatawan nito. Maging ang hinaharap niya ay nakasilip ang cleavage niya sa lalim ng vline ng dress. Kitang-kita tuloy na pinagpala siya sa hinaharap. "You wear this too, but don't you dare to stole it, Terra. Ipapasuot ko lang ang mga ito sa'yo ngayong gabi pero hindi ibig sabihin no'n ay kukunin mo na ang mga gamit ko, lalong-lalo na si Joshua." Madiing pagpapaalala ni Jelly dito na ipinasuot sa kanya ang isang mamahaling diamond earrings at bracelet. Namamangha namang napatitig si Terra sa suot na bracelet. Kumikinang pa ang mga diamond no'n at kitang mamahalin! Kinakabahan tuloy siya na baka maiwala niya iyon dahil tiyak na kahit magbenta siya ng kidney ay hindi no'n matutumbasan ang presyo ng suot na hikaw at bracelet! "Let's go." Wika ni Jelly na isinilid sa pouch ang isang atm nito, car key at ang cellphone. Sumunod naman si Terra dito. Ingat na ingat sa bawat paghakbang dahil para siyang matatapilok sa suot na stiletto. Hindi pa naman siya sanay na magsuot ng high heels kaya nangangatog ang mga tuhod nito. "Hurry up!" sikmat ni Jelly dito na malingunan itong dahan-dahan sa paglalakad. "Sorry po, ma'am. Hindi kasi ako sanay na magsuot ng heels," paumanhin ni Terra dito na napaikot ng mga mata. "Of course you're not. Hindi naman kasi nagsusuot ng stiletto ang mga mahihirap. Dahil hanggang tsinelas lang ang afford niyong bilhin," masungit na saad ni Jelly ditong pinamulaan na napahiya sa narinig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD