Wala na... Byernes, wala akong klase kaya nananahimik ako dito ngayon sa kwarto. Tamad na tamad akong bumangon mula sa kama kaya nagpaikot ikot na lang ako. Medyo malaki naman to. Tsaka tanghali na din ako nagising dahil hindi ako dinadalaw ng antok. Laman pa din ng isip ko si Chase. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa din kung ano ba talaga ang nangyari. San ba ako nagkamali? Saan ako nagkulang? Wala kase akong matandaan na kahit anong pinag awayan namin. At kahit na mayroon pa ay hindi naman yata tama na basta na lang niya ako iniiwan. Nahatak kong muli ang aking kumot paitaas at tinakpan ang aking mukha. Nararamdaman ko na naman kase. Iiyak na naman ako. Walang wala yung sakit ng maga kong daliri sa sakit ng puso ko. Yung sa daliri, pagkatapos lagyan ng gamot at balutan, okay na, e

