Ako ba? Nang makalayo kami sa cafe ay binitawan na din naman niya ako. Kung ibang pagkakataon siguro ay baka hindi ako sumama. Kase bukod sa hindi ko siya kilala ay hindi naman din talaga ako mahilig lumabas. Kung hindi lang sa mga Puntavega ay baka nagbuburyong lang ako sa bahay. I watch a few students looking at our direction. Medyo malapit nga pala sa school ang cafe. May iilan na napapatingin sa amin, marahil ay nagtataka kung bakit kami magkasama. Napansin ko din na may iilang babae na napapatingin sa kanya. Hindi naman ako magtataka dahil gwapo naman talaga siya. Tahimik lang kaming naglalakad habang kapwa humihigop sa iniinom. And I like it. Gusto ko yung tahimik lang. Yun kase ang kailangan ko ngayon, peace. To be honest, I'm glad na hinatak niya din ako paalis sa kanila

