Mali... "Hindi! Ayoko! Hindi ako sasama!" malakas na sigaw ni Milan habang lahat kami ay paangkas na sa kanya kanya naming mga sasakyan. Si Milan, nakatayo pa din sa labas at panay ang tantrums. Napatingin ako kay Chase. Nakatayo siya sa tabi ng kuya niya. Hindi siya nagsasalita pero malakas ang kutob ko na sang-ayon siya sa kapatid niya. Anong meron? "Ano ka ba Ulan? Naduduwag ka na naman?" nadinig ko ang boses ni Ice na halatang naiirita na. "Dee, can you please do something? Milan Rain is starting to piss me off," sigaw ni Mattee bago umakyat sa loob ng sasakyan. Nakasakay na din ako at nakasilip sa bintana habang nakatingin kay Chase na malapit na yatang magtago sa likod ng kuya niya. "Milan," seryosong tawag ng kapatid ko. Natawa ako ng magpapadyak si Kuya Milan habang nak

