Bumalik... "Remind me why we have to be here? Dapat nagdate na lang tayo e," nakangusong reklamo ni Chase habang nakapatong ang ulo sa aking hita. Nasa tambayan kami kasama ang mga pinsan niya. May meeting kase ang mga prof kaya suspended ang klase pero magreresume din naman mamaya. Hindi ko ba alam kung bakit ang ending ay napunta kami dito lahat. Pati nga si Xantha at Cinco nandito, parehong nagbabasa. Magpinsan talaga samantalang si kuya Aedree panay istorbo kay Xantha. Medyo malaki naman tong place and madaming benches kaya kasya naman kami. Si Kuya Ice at Ulap lang ang wala, hindi ko alam kung nasaan. Dagdag mo pa si Kuya Milan na may date daw. Napalingon ako kay ate na nakabusangot ang mukha. Okay lang kaya siya? Nagulat pa ako ng mapalingon siya sakin. Agad na nagsalubong ang ka

