Durog.... "Whatever she told you, kausapin mo muna si Chase," salubong ng aking kapatid ng pumasok siya sa aking kwarto. Sinundan niya ako sa veranda habang ako ay nakapikit pa din at ninanamnam ang simoy ng hangin. Gabi na at sobrang daming nangyari ng araw na to. Pati ako ay nadala sa ospital dahil sa panic attack. Sobrang g**o. Pinatawag sila papa sa school. Akala nila ay nag aaway kaming tatlo sa loob. If it wasn't for Cheska's family and for Chase, baka kung ano na ang naging kaso ko sa eskuwelahan at mapagbintangan pa akong nambubully. Papa was so calm. Si Ate Dee ang nagpaliwanag ng lahat habang ako ay nasa ospital. Nakausap ko din si Cheska doon. Na sana hindi ko na lang ginawa. I felt a hand on my shoulder. Kamay lang ni Ate Dee pero parang napakabigat. Hindi ko si

