Kabanata 19 Nagising ako na sobrang sakit ang ulo ko habang may nakadantay na mabigat sa aking katawan. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mata. Sinipat ko ang paligid. Hindi ito ang kwarto ko? Nasaan ako? Mas lalo akong kinabahan ng makita ang sarili ko na walang saplot sa katawan, pero ang mas ikinayanig ng mundo ko ay ang mukha ng lalaking katabi ko ngayon. Hindi! Hindi na dapat kami nagkrus ng landas! Bakit dito pa? Bakit nangyari ang lahat ng 'to? Hindi na ako nagdalawang-isip na ayusin ang sarili at umalis. "Saan ka galing?! Alam mo bang halos mabaliw na ako sa kakaisip sa'yo?!" Ani Derrick. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala. Siya agad ang bumungad sa akin pagbukas ko ng Unit. Mag-isa lang ako dito dahil si Daddy ay palaging nasa Ospital dahil binabantayan si Mommy.

