f*******n

300 Words
Kasabay ng hampas ng malamig na simoy ng hangin ng gabing iyon. Ang saliw ng musika na pumapailanlang sa gitna ng kabukiran. "Mr. Dj can I make a request? Pwede ba yung lovesong ko?" Pebrero 14, 1960 Nagkaroon muli ng sayawan. Selebrasyon ng masaganang ani. Araw ng pista. Maririnig mo ang mahinang hagikgikan ng kababaihang naghihintay sa kanilang kinauupuan. Ang manghang tingin ng kalalakihan sa magagandang dilag na nais nilang maisayaw. Kasalukuyang isinasayaw ni Lorenzo ang katipang si Helena. Tahimik na sinasamyo ang isa't-isa. Pilit pinagkakasya ang hiram na sandaling iyon sa kanilang buhay. Ayaw isiping may hangganan ang lahat. Na sa oras na matapos ang awiting iyon ay katapusan na din ng kanilang pagmamahalan. Alam nilang ito na ang huli. Pebrero 14, 2010 Palihim na sumilip ang dalagang si Helene sa siwang ng kanilang capiz na bintana. Pigil hiningang lumambitin sa balustre pababa sa hardin. Sabay karipas ng takbo paglapat ng mga paa sa lupa. Ngayon muli ang selebrasyon ng kanilang pista. Ngunit gaya ng dati, tutol pa din ang Lola niya na tumungo ako sa pagdiriwang para katagpuin si Lawrence. Abot kamay kaming nagyakap ni Lawrence. Pinilit na sumiksik sa gitna ng kumpulang nagsasayaw sa bulwagan. Dinadama ang pagkakasiksik sa isat-isa. Nagtitigan ng may ngiti sa labi. Magkahugpong ang mga kamay. Nagpapalitan ng matatamis na salita. "Kahit luma na ang aming awit nais ko ring marinig, Kahit man lang sa aking alaala ay makasama ko siya" Patuloy ang tugtong, ng biglang nagkagulo, nagpulasan ang mga tao. Mabilis siyang hinila ni Lawrence, ngunit huli na ang lahat. Plakda itong bumagsak sa harapan niya. Wala ng buhay. Napaluhod siyang nagsisigaw. Naulit nga ang kapalaran. Gaya ng sabi ng Lola niya na nakatadhana. Magiging ganoon din ang kahihinatnan ng buhay ko. Totoo ang sumpa. Hindi kami magiging masaya. Hanggang sa kamatayan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD