Chapter 54 Lies Hidden from a Handsome Beggar DAHAN-DAHAN iminulat ni Liana ang kaniyang mga mata na ikinabalikwas niya sa kaninyang pagkakahiga sa malambot na kama na hinihigaan niya. Agad niyang inilibot ang tingin niya sa kwartong kinalalagyan niya na black and white ang theme ng kwarto, pati mga gamit nito na ay nalalapit sa kulay ng itim at puti. Sa pagkaka-alala ni Liana ay nasiraan siya sa gitna ng highway at inabot siya doon ng gabi hanggang sa may bumasag ng salamin niya sa tabi ng driver seat bago sa salamin ng pinagtataguan niya sa back seat hanggang sa hindi na niya maalala ang nangyari. Agad na umalis si Liana sa kama na hinihigaan niya at mabilis na tumayo at inayos ang sarili, hindi siya pamilyar sa kwarto na kinalalagyan niya at hindi niya alam kung nasaan siya o kung li

