Chapter 64 Lies Hidden from a Handsome Beggar SA BAHAY ni Paxton ay magkatapatang nakaupo sina Ruhk at Maki sa sala habang parehas nakatuon ang mga mata ng mga ito sa snow globe na sa nasa center table kasama ang card kung saan nakasulat ang panibagong warning ng isa sa kambal na si Shade, na kagabi pa hindi malaman ni Ruhk ang sagot sa riddle na binigay sa kaniya na alam niyang babala tulad ng naunang bugtong na binigay nito. Maagang umalis si Ruhk sa hotel na tinutuluyan nila, kampante siyang iniwan si Liana dahil kasama na nito sina Manang Meldy na nakaagpaalam na kay Yaya Romary bago dalhin ang katawan nito sa probinsya ng mga ito upang doon mangyari ang burol sa pagkamatay ni Yaya Romary. Nakuha naman nina Charles ang katabing kwarto nila upang mabantayan si Liana sa tuwing wala si

