Chapter 74 Lies Hidden from a Handsome Beggar BUNTONG-HININGANG pabagsak na umupo si Liana sa mahabang sofa at isinandal ang kaniyang likuran, bago tinutok ang kaniyang mga mata sa ceiling ng kanilang sala. Nang sabihin niya sa kaniyang sarili at kay Manang Meldy na gagawa siya ng way upang mahulog si Ruhk sa kaniya, akala ni Liana ay magiging madali ang lahat. Pero isang buwan na ang lumipas simula ng gumawa siya ng mga bagay na ikakahulog ni Ruhk sa kaniya ng hindi nito napapansin ay nakita naman niyang walang nangyayari dahil same parin kung makitungo si Ruhk sa kaniya, maliban nitong mga nakaraang araw. Umuwi nalang bigla si Ruhk sa bahay nila na parang matamlay at walang buhay, nang lapitan niya ito ay nagulat siya ng yakapin siya nito at biglang humagulgol sa kaniya. *FLASHBACK*

