Chapter 66 Lies Hidden from a Handsome Beggar HINDI ALAM ni Liana kung saan siya dinala ng lalaking humigit sa kaniya palabas sa likurang bahagi ng Dream Castle Hotel na tinutuluyan nila ni Ruhk. Alam niyang hindi dapat siya lumabas ng hotel ng wala si Ruhk pero dahil sa sulat na nabasa niya, hindi na siya nagdalawang isip at lumabas siya sa kwarto nila ng hindi pinapaalam kina Manang Meldy ang gagawin niya at nagawa niya pang magsinungaling sa mga ito. Isang oras din ang naging biyahe nila bago sila dumating sa isang lugar na wala silang masyadong bahay na nadadaanan at pagkatigil ng sasakyan nila ay nasa tapat na sila ng isang hindi kalakihang bahay pero maganda ang disenyo nito. Tahimik lang si Liana sa kinauupuan niya sa loob ng sasakyan ng lingunin siya ng lalaking nagdala sa kani

