Chapter 77 Lies Hidden from a Handsome Beggar MALAKING TUWA na sinalubong ni Manang Meldy sina Ruhk ng makabalik ang mga ito sa bahay, hindi mawala ang ngiti ni Manang Meldy lalo pa at nakikita niya ang saya sa mga mata ni Liana na dalawang araw ding nawalan ng saya. “Akala ko ilang weeks kitang hindi makikita, Ben. Ako’y natutuwa na bumalik ka kaagad tulad ng pangako mo kay Liana.”ngiting ani ni Manang Meldy kay Ruhk. “Sa dalawang araw na umalis ako manang, narealize ko po na hindi magugutushan ng aking kaibigan kung patuloy akong malulungkot sa nangyari sa kaniya. He’s happy now with his love in heaven, and he’s really wanted to follow her wherever she is.”pahayag ni Ruhk na ikinatapik ni Manang Meldy sa kanang braso niya. “You mean, wala na din ang babaeng minamahal ni Vinz?”tanong

