•Persephone• Tatlong araw na ang lumipas at hindi naman na kami ginulo ni Xia. Siguro ay natauhan na ito sa mga pinanggagawa niya. "Mommy, bagay po sa inyo ang pink na dress para po kayong angel." Natawa siya sa sinabi ni Nike, bubuhatin sana niya ito ngunit naalala niya ang damit. Above the knee iyon kaya baka makita ang pang-ibaba niya kapag yumuko siya at binuhat ang anak. Hinaplos na lamang niya ang pisngi nito at hinintay si Hades na bumaba, palagi nalang itong nahuhuli. "Daddy, ang tagal niyo naman po! Gusto ko na pong pumunta kay Tita Aleister. Marami sigurong bata po roon, maglalaro kami ulit ni Nike," natutuwang saad ni Gaea. "Alam ninyo mga anak kapag mga pogi matagal talagang mag-ayos iyan," kausap nito sa dalawang bata. Humagikhik naman ang dalawa at nagpabuhat na sa ama.

