Micaela
Dahil sa lakas ng panunukso sa akin ng grupo nila Alex, ilang araw kong hindi pinansin si Juancho. Kahit lumalapit siya sa akin para makipag-usap, puro kaswal lang nga mga sagot ko. Kung minsan, hindi ko na sinasagot ang mga sinasabi niya dahil naiirita ako sa tuwing nag-uumpisa na naman ang mga pangangantiyaw nila sa akin.
Pero minsan din kasi, hindi ko rin siya matiis dahil wala naman talaga siyang ginagawang hindi maganda sa akin.
Ang huling naging interaksyon namin ay sa canteen. Mag-isa akong kumakain ng meryenda habang nanonood ng kung anu-anong videos sa cellphone ko.
Naramdaman kong may presensya sa tabi ko. I immediately smelled a familiar scent, an expensive men's cologne. Swabe 'yon sa pang-amoy ko kaya alam ko na agad kung sino agad iyon.
Nag-angat ako ng tingin at nakita ko si Juancho. He gave me a small smile. Nakita kong bitbit niya ang meryendang binili niya...at mukhang may extra pa.
"Can I join you? May dala rin akong meryenda para sa'yo," alok niya sa akin.
Luminga-linga muna ako para tingnan kung nandito ang grupo ni Alex. Nang makita kong wala, tumango lang ako sa kanya. He smiled widely and sat on the vacant chair infront of me.
I returned my eyes on my phone to watch more but I can see him settling down together with his things.
Nagpatuloy ako sa panonood at hinayaan siya sa ginagawa. Naroong natatawa-tawa pa ako dahil sa mga nakakatawang mga panood.
"Mickie," tawag niya sa akin.
Nag-angat ako ng tingin sa kanya.
"Op?"
Inabot niya sa akin ang paborito kong orange juice na nakalagay sa plastic bottle at ensaymadang nakabalot sa plastic.
"Meryenda mo." May multo ng ngiti sa mukha niya.
"Tapos na akong mag-meryenda, eh." Sinulyapan ko ang naitabi kong pinagkainan.
"Pero 'di ba favorite mo 'yan?"
Tumango ako. "Pero hindi ako bumili ngayon kasi 'di ko trip."
Which was a lie. I am saving up because I needed to buy new shoes for the upcoming sports event. Malapit na kasing mabiyak ang swelas ng sapatos na ginagamit ko. Baka 'pag inilaro ko pa sa susunod na praktis, bumigay na ito ng tuluyan.
"Kainin mo na lang kapag gutom ka?" Alok niya ulit sa akin.
I smirked and shrugged my shoulders. Bakit hindi? Gutumin pa naman ako pero ewan ko ba, hindi ako tabain.
Nilapag ko ang cellphone ko sa mesa para abutin ang mga pagkain na ibinibigay niya sa akin.
"Sabi mo 'yan ah? Akin na 'to."
He smiled with satisfaction, parang tuwang-tuwa dahil napaluguran ko siya.
"Bati na tayo?" Aniya.
Nangunot ang noo ko habang nangingiti sa tanong niya.
"Hindi naman tayo—-"
"Naks, Mickie! Bati na kayo ni wirdo?" At sinundan iyon ng malakas at nakakairitang halakhak ng isa sa mga barkada ni Alex.
Umatras ang kamay ko sa pag-abot ng mga pagkaing ibinigay ni Juancho sa akin. Sinulyapan ko siya at nahuli ko siyang nakatingin sa pag-atras ng mga kamay ko.
I bit my lower lip because I felt pang of guilt inside me. It's like rejecting him infront of them...again.
"Binigyan ka lang ng pagkain, tataluhin mo ulit?" Si Alex.
Pinukulan ko siya ng matalim na tingin. He smirked evilly as he looked at me, glanced at the food and to Juancho, before he returned his eyes on me.
Nakakainsulto ah?
Sumingit ang walanghiyang si Bjorn.
"Siyempre, makikinabang siya—-"
Padarag akong tumayo at mabilis na sinikop ang mga gamit ko. Nakita kong napatayo na rin si Juancho at natataranta na sa gagawin.
"Alis na ako," walang gatol na sabi ko.
Tatatawa-tawa ang mga loko pagkatapos kong sabihin 'yon.
"Mickie," tawag sa akin ni Juancho. "Y-Yung meryenda mo.
I saw him gulped hard. Tila nagsusumamong tanggapin 'yon.
Tinapunan ko ng tingin ang naghihintay na meryenda. Kung tatanggapin ko, asasarin na naman ako ng mga gagong 'to. Aaraw-arawin nila ako ng panunukso panigurado. Kung tatanggihan ko naman...
Umiling ako at tuluyan ko na silang iniwan doon.
Pero hindi ko maiwasang maawa kay Juancho. Sa totoo lang, wala naman talaga siyang kasalanan sa akin. Mabait siya sa akin at tinutulungan pa ako sa pagre-review. Aaminin kong medyo mahina ako sa academics kaya binabawi ko iyon sa ibang bagay; ang sports.
Narinig ko ang malakas na pito ng coach namin nang hindi ko nasalo ang bola. Napapikit ako sa inis sa sarili. Ilang araw na akong hindi mapakali dahil sa ilang beses kong pagtangging kausapin siya, hindi na niya ako nilalapitan!
Ano? Nagsawa na siya kakakulit sa akin?
"Mickie! Sub ka muna ni Roxanne!"
Bumuntong-hininga ako. Kanina pa ako naglalaro kaya siguro iniisip nilang pagod na ako. Pero hindi naman talaga ako pagod, nawawala lang ako sa pokus.
Lumabas ako sa court at umupo sa bench. Nandito kami ngayon sa covered gym para mag-training, naghahanda para sa Palarong Pambansa.
"Ano'ng laro yun, Mickie? Para kang baguhan ah," asar sa akin ni Alicia.
Si Alicia ang junior coach namin. Dati rin siyang volleyball player at naipapadala sa iba't-ibang lugar para makipag-compete. College na ito pero dahil mahal niya ang sports, nagpresinta siyang tumulong sa paghahasa sa amin.
"Tsk. Lakas mo mang-asar. Para ka ring si Alex." Sagot ko sa kanya.
Humagalpak siya ng tawa. "Siyempre! Magkapatid kami!"
Umirap ako. "Kaya naman pala may pinagmanahan."
Mas tumawa siya sa sinabi ko. She tugged my ponytailed hair and sat beside me.
"Mag-focus ka! Hindi pwede 'yang ganyang laro sa Palaro. Kapag ganyan ka ng ganyan, hindi kita isasali sa first set!"
Nilingon ko siya. "Huwag naman!"
"Kaya nga galingan mo! Nawawala ka sa focus. Agresibo ka nung mga unang laro mo pero napapansin kong natutulala ka na lang minsan." Natatawang sabi niya. "May problema ka yata, eh?"
Nangunot ang noo ko para ipakitang balewala iyon sa akin.
"Wala 'no!"
"Sus! Ano? May boyfriend ka na? Nag-break kayo?" Sunod-sunod na tanong niya sa akin.
"Wala akong boyfriend!" Pagtanggi ko.
Nakuha ang atensyon naming dalawa nang muling pumito ang head coach namin. Tapos na pala ang laro. He gestured to go to his spot, mukhang may ibibilin sa amin.
"In two weeks time na ang Palaro kaya simula sa Lunes, araw-araw na ang practice ninyo. Every 4 in the afternoon dito rin sa court." Sabi ni coach.
Nagtaas ng isang kamay ang kasama ko.
"Coach, saan ba gaganapin ang event?"
"Probinsya natin ang host ngayon kaya diyan lang tayo sa siyudad ng Consolacion."
"Uy! Makakapag-mall ulit tayo!" I heard them excitedly.
Na-dismiss din kami kalaunan. Inayos ko na ang backpack ko at ilang gamit. Palabas na ako sa gym nang makita kong nagsisiuwian na rin ang mga kapwa ko estudyante.
In the sea of people, I saw Juancho walking quietly on the pathwalk of the campus.
Gusto ko siyang lapitan. Wala naman na siguro ang grupo ng mga unggoy.
"Juancho!" Tawag ko sa kanya.
He stopped from walking and looked around. Hinahanap niya kung saan galing ang boses ng tumawag sa kanya.
"Huy! Juancho!" Tawag ko ulit sa kanya.
Nahuli niya ang mga mata ko. I waived at him while smiling widely. Luminga-linga siya sa paligid bago ko nakitang papunta na siya sa diresyon ko.
Palapit na siya sa akin nang tapikin ako ni Alicia sa balikat.
"Mickie! Penge ako number mo," aniya at inumang ang cellphone sa harapan ko.
Nawala saglit ang atensyon ko kay Juancho. Without thinking, I took her phone and saved my number on it.
Ibinalik ko sa kanya ang phone pagkatapos.
"Thanks!" Sabi niya habang nakangisi. She maneuvered her phone again and typed something.
"Aanhin mo? Araw-araw naman tayong nagkikita sa praktis." Tanong ko.
Nakalapit na si Juancho sa amin. He remained serious as he looked at me and to Alicia.
"Ibibigay ko kay Alex. Crush ka no'n eh..." sagot niya pero pabulong na ang mga huling salitang sinabi niya sa akin. "Uy! Hi Juancho!" Bati niya sa katabi ko.
Marahas akong napalingon sa kanya.
"Hoy! Ano'ng ibibigay kay Alex?!"
Tumawa siya. "Wala! In case of emergency lang sa praktis, gano'n." Depensa niya. "Alis na ako!"
Tinanaw ko ang pag-alis niya. Kinabahan ako. Kung ibibigay niya 'yon kay Alex, paniguradong madali na lang para sa kanya ang pang-iinis sa akin!
Hindi ko naisip na pwedeng gawin 'yon ni Alicia. Kung bakit kasi binigay ko pa sa kanya, eh!
Kapag tinext niya ako, magpapalit na lang ako ng number. Bahala na diyan.
Narinig ko ang pagtikhim ng kung sino sa likod ko. Nakita ko ang seryosong mukha ni Juancho. Hindi tulad noon, kapag kausap niya ako, nakikita ko sa mga mata niya ang excitement.
Ngayon...para akong nakikipag-usap sa masungit na propesor.
"Bakit mo ako tinawag?" Pati ang boses niya ay tunog walang gana.
"A-Ahm...ano..." bigla akong nautal. Biglang hindi ko na alam ang sasabihin ko. "Uuwi ka na?"
'Langya ka, Mickie! Obvious ba?!
Tumango lang siya. Mukhang wala siyang gana kausapin ako.
"Ah, hehe." Napakamot ako sa sentido mo. "Ako rin kasi—"
"Sige. Uwi na rin ako."
Nataranta ako bigla. Ayokong maghiwalay kami ngayon na hindi kami okay.
I'm guilty. Inaamin ko naman. Ganito naman ako palagi. Okay kami tapos kapag may nang-asar, mag-aaway kami. It's like a cycle.
Pero ngayon...ewan. I feel like I should say sorry to him.
Agad ko siyang pinigilan dahil nakakailang hakbang na siya palayo sa akin.
"Sandali!" Tawag ko ulit sa kanya.
He stopped from walking and turned around to look my way. Wala na halos mga estudyante sa loob ng campus dahil oras na nga ng uwian. Kung meron man, mangilan-ngilan na lamang iyon.
Lumapit ako sa kinatatayuan niya. Mas matangkad siya sa akin ng maraming pulgada. If he just work out on his body at mag-aayos ng kanyang sarili, siguradong maraming magkakagusto sa kanya.
I find him handsome, to be honest. Malinis siyang tingnan, kabaligtaran sa mga pinapalabas ng mga kaklase kong wirdo siya. Hindi lang talaga palaimik sa karamihan.
He's also smart, our future valedictorian in our batch. And absolutely rich.
“Gusto ko lang mag…” I inhaled deeply to gather enough strength to say it to him.
This is actually my first time to say it to him. Kaya alam kong magiging big deal ito sa kanya.
“G-Gusto ko lang mag-sorry,” nagbaba ako ng tingin sa kanya. Hindi ko siya kayang tingnan, nahihiya ako sa mga ginawa ko sa kanya hindi lang nitong mga nakaraan pati na rin sa mga pambabalewala ko sa kanya noon pa man. “Hindi mo deserve yung mga naging trato ko sa’yo.”
I gulped hard because I think I cannot talk again without doing that. Para akong nauutal eh. Para ko nalululon ang dila ko sa kaba.
Hindi siya nagsalita nang kaya ako nag-angat ng tingin sa kanya. Naabutan kong suminghap siya at mabilis na iniwas ang namumula niya g mga mata sa akin.
“Huy,” bawi ko. I cupped his face and made him look at me. Dahil sa tangkad niya, kailangan kong abutin ang magkabilang pisngi niya. “Bakit?” Concerned ko ng tanong sa kanya.
Suminghap siya saka umiling. Binitawan ko ang kanyang mukha.
“Babastedin mo na naman ba ako ulit?” Mahinang tanong niya sa akin. “Alam kong masyado na akong nagiging makulit sa’yo pero…hindi ko talaga mapigilan na hindi ka lapitan.” Pagdadahilan niya.
I pouted. “Hindi mo mapigilan? Eh hindi mo na nga ako pinapansin.”
“I only…gave you space because…I felt my presence makes you annoying.”
Umiling-iling ako. “Bwisit kasi sila Alex.” Bulong ko. Sumimangot ako dahil sa mga naalalang pang-aasar sa amin.
“Isa rin ‘yan kaya…hindi na kita pinapansin.”
I looked at him straightly. “Gano’n?”
Ayan, Mickie! Tinitigilan ka na kaya hindi ka na pinapansin! Okay lang naman ‘yan, ‘di ba? Kasi hindi mo siya gusto!
Naiinis ako sa sarili kong pagkastigo!
“Hindi pa kita binabasted, ah?” Dagdag kong tanong sa kanya.
Bakit hindi ako masaya na hindi na niya ako kukulitin? Na hindi niya na ako papansinin? Ang tagal niyang nanligaw sa akin! Mula Grade 7 hanggang ngayong senior high na kami. Ilang beses ko siyang binasted dahil hindi ko naman siya gusto. Pero bakit ngayon…
Sasagot na sana siya pero dahil nauunahan ako ng inis, muli akong nagsalita.
“Hindi ka na manliligaw sa akin?” Matapang kong tanong sa kanya. “Hindi mo na ako gusto?” Nagtaas ako ng isang kilay.
His lips parted. Hindi na siya nakapagsalita. I can see him being worried because of my action. Agad siyang umiling sa akin.
“Kung ayaw mo na sa akin, eh ‘di huwag!” Sabi ko at iniwan na siya roon. “Basted ka na sa’kin!”
Ewan ko. Pagwo-walkout na lang ang nakikita kong dahilan. Parang…parang ako ‘yung nabasted, eh!
Ah! Nakakainis!
Pinigilan niya ako sa pagwo-walkout ko. Hinawakan niya ako sa kamay at pinaharap sa kanya.
“Ano ba!”
“Gustung-gusto kita, Micaela! Ikaw lang ang nagustuhan ko noon pa! Bata pa lang tayo noon at hanggang ngayon, ikaw pa rin!” He explained. “Natatakot lang ako na baka sa sobrang kakulitan ko, mapaaga ang pagbasted mo sa akin.”
“Kaya ang solusyon mo para diyan ay hindi na ako pansinin?” I lashed out.
Mabibigat na ang paghinga ko dahil sa tindi ng inis na nararamdaman ko. Pero hindi na iyon para sa kanya. Para na iyon sa akin!
“Hindi…ngayon lang dahil…” nag-iwas siya ng tingin sa akin. “Sorry na,” he said defeatedly. “Bibisita ako sa inyo bukas. Okay lang ba?” Nagsusumamong tanong niya sa akin.
I have to inhale and exhale to prompt myself that his submissiveness is making wonders on me. Parang…may nagliliparang paru-paro sa tiyan ko. Hindi ko alam! Hindi ko maintidihan!
“Binasted na kita kanina, eh…” sabi ko.
He bit his lower lip and moved closer to me.
“Manliligaw ako ulit.” He declared. “And this time, I’m all out.” Bulong niya.