3RD PERSON POV Nang makaalis sina Heimich at Rizzy, pansin ni Cleo ang inosente at puno ng katanungang mga mata ni Tris na nakatingin sa kanya. "C-Cleo?" "Hm, alam kong marami ka pang gustong malaman pero sa ngayon ang mas kailangan mo ay magpaghinga," aniya, at saka tinulungan itong makahiga muli sa hospital bed. Nagpasalamat naman ito at nginitian siya ng maganda, iiwan na muna sana niya si Tris para makapagpahinga ito nang maayos ng tawagin ulit siya nito. "Cleo, pag gising ko ba narito ka pa rin?" Malambing niyang sinilayan ito at hinawakan ang isang kamay, hinalikan muna niya iyon bago magsalita. "Mula ngayon at habang buhay, wala ka nang dapat ipag alala, hindi na tayo ulit magkakahiwalay pa." Matapos bigkasin ang mga salitang iyon, pinagmasdan niya ang mapayapa nitong pagpi

