TRISTAN POV "Don't be, kapag handa ka na saka mo sa akin sabihin ang lahat." "Trix, i-ito na yun. Ito na ang tamang panahon," seryosong sagot ko dito, umupo na din ako para makapag usap kami ng mas maayos. "Are you sure?" umupo na rin ito at humarap sa akin. Tumango naman ako bilang sagot. Huminga muli ako ng malalim para humugot ng lakas ng loob para maipaliwanag ko kay Trix ang lahat. Pinalapit ko din ito para hindi marinig nila lolo at lola ang aming pag uusapan. Mabilis naman itong umusod palapit sa akin at habang bumabagyo sa labas, bumalik sa aking isipan ang naganap na naging dahilan kung bakit kami nagkahiwalay ni Ronan. ------ HINDI na lumipas ang ilang linggo mula nang magsimula ang aking hinala. Hindi ko magawang magtanong sa kahit kanino sa bar kung ano ba talaga ang nan

