3RD PERSON POV Napabuntong hininga na lamang si Tristan at napatulala sa harapan ng mesa bago mapayuko. Hindi na sila nakapagpatuloy ni Cleo sa pagkain sapagkat nawalan na sila ng gana. Wala na rin naman silang kasama dahil nagkulong na sa maliit na kwarto ang kanyang lola at sinundan naman ito ng kanyang lolo doon para kausapin. Habang nakatitig sa kawalan, ramdam niya ang paghagod ng malaki pero masuyong palad ni Cleo sa kanyang likod. Hindi man ito nagsasalita pero ramdam niya sa bawat paglapat ng kamay nito sa kanyang likod ay nagpapahiwatig ng matinding pag aalala at pagpaparamdam na hindi siya nag iisa. Tunay na nabigla siya sa naging reaksyon ng kanyang lola at umabot pa iyon sa punto na gusto na niyang maluha, pero kanina iyon. Ngayon, mula sa pagkakatungo ay mabilis siyang tu

