TRISTAN POV Umabot nang ilang oras ang naging byahe namin patungo sa Everest Hills Memorial Park kung saan nakahimlay ang aking mga magulang, mabuti na lang talaga at maaga kami umalis. Wala naman masyadong tao dito ngayon, tahimik at presko ang hangin habang naglalakad kami sa pathway patungo sa puntod nila. Malawak ang buong lugar, napaka-ganda rin dito at puno ng berdeng mga d**o sa paligid at ilang mga puno na pwedeng silungan kapag mainit na. "Tris ko, ayun oh." Napatigil ako sa paglalakad at napatingin sa lugar kung saan nakaturo ang daliri nito. Sa ilalim ng isang puno ng mahogany, may dalawang puntod na nakalagay doon. Habang palapit kami dito ay may kakaibang bagay akong nararamdaman, kahit malakas ang hangin na dumadampi sa aking katawan, walang lamig akong nadarama kung hin

