3RD PERSON POV Isinalaysay din nito ang mga masasayang bagay na pinag daanan nila habang nag aaral. Ang mga kalukohan nilang dalawa, ang mga naganap habang nasa field trip sila o camping. Hindi niya maiwasanag mapatawa dahil sa mga naririnig mula dito. Napakasaya nang kabataan nilang dalawa. Base rin sa kwento nito, wala siyang kapatid at napakabait ng kanyang mga magulang. May kung anong excitement ang dumaloy sa kanyang katawan habang nakikinig dito. 'Baka may pag asa na makilala ko pa ang aking mga magulang.' Masaya siyang malaman na mula pagkabata pala ay naroon na si Cleo para makasama siya. Doon din niya nalaman kung bakit mahalaga dito ang nickname na iyon. Habang nakatitig siya sa maganda at puno nang galak na mga mata nito, bigla siyang may naisip. "Cleo?" "Hm, ano yun?"

