"TINGIN ko nahimatay siya dahil sa nasaksihan na ginawa mo," untag ni Luna, sa pananahimik ni Damien. Nakatitig si Damien, sa walang malay na si Feliza, at talagang nag-aalala siya para sa dalaga.
She just passed out after he killed the three people in the basement. Hindi niya alam kung anong dahilan at tingin niya tama si Luna, nahimatay ito dahil sa ginawa niya.
Bumukas ang pinto at pumasok si Stephan. "Nalinis ko na ang mga bangkay sa baba. Bininyagan mo naman Jim, ang torture room ko. Sa tagal ko ng pinagawa itong bahay na ito, ngayon lang may pinatay doon," nakangising sabi ni Stephan. He looks Stephan as cold as an ice. He didn't feel happy for what he did, but for him they deserve to die.
Betrayal of him is a sin and death is the punishment who will betray him.
"Proud ka pa na may namatay doon? Sira ulo ka!" iritadong sita ni Luna kay Stephan, na ikinakamot ng ulo nito.
"Ang init ng ulo mo, Alpha. Hindi naman ako may gawa n'on eh," pansin nito kay Stephan.
"Parehas lang kayo! Mga sira ulo!" inis pa ring sabi ni Luna.
"Huwag nga kayong maingay!" saway niya kila Luna at Stephan. Masama lang siyang tinignan ni Luna at tinalikuran na siya nito saka umalis.
"Sundan ko lang muna si Luna. Mukhang galit talaga siya sa ginawa mo. Ikaw kasi eh, alam mo naman na ayaw na ayaw n'on na may pinapatay," paninisi sa kanya ni Stephan. Hindi na siya nagsalita kaya tinalikuran na siya nito at umalis na.
Napatitig siya sa nahihimbing na si Feliza at narinig niyang umungol ito kaya nag-aalala siyang nilapitan ito.
"Huwag! Huwag please," ungol nito.
"Feliza." Inalog niya ito,"Feliza."
Nagmulat ito ng mga mata at bumalakid sa mga mata nito ang takot saka umatras palayo sa kanya. "Huwag mo akong sasaktan!" takot na bulalas nito.
"I won't hurt you," sabi niya. Hahawakan sana niya ito sa kamay pero tinabig nito ang kamay niya.
"Huwag mo akong hahawakan! Mamamatay tao ka!" mahina pero may diin na sabi nito.
Hindi alam ni Damien, kung bakit parang may kung anong dumagan sa dibdib niya at hindi iyon maganda sa pakiramdam. Umayos siya ng tayo at malamig na tumingin sa dalaga. "Mukhang maayos ka na." Tinalikuran na niya ito at iniwan sa kwartong iyon. Nakasalubong pa niya si Luna, na nagulat sa hindi niya alam na dahilan.
"Jim,"tawag nito sa kanya.
"She's awake. Ikaw na bahala sa kanya," hindi makatinging sabi niya kay Luna at tuluyang umalis.
Sa hardin siya dinala ng mga paa niya at may nakita siyang upuan doon kaya doon na muna siya naglagi. "Iiwasan na niya ako." Mapait siyang napangiti. "Kagaya ng iba, pag nalaman nila kung sino ako." Parang pinipilipit ang puso niya at nakakadama siya ng inis kung bakit niya iyon nararamdaman. "f**k! Bakit ko ba nararamdamam ito!
Pinokpok niya ang dibdib niya para maalis ang sakit mula sa puso niya pero hindi iyon nabawasan kahit konti.
---
"ANONG ginawa mo kay Jim?" nagtatakang tanong ni Luna kay Feliza. Napatitig siya kay Luna at kita rito na naguguluhan ito.
"A-anong sinasabi mo?" takang tanong niya.
"Kasi nang nakasalubong ko siya, iyong mukha ni Jim, parang nasaktan at ang lungkot lungkot niya. Ngayon ko lang siya nakita nang ganoon kalungkot after noong-
Bumuntong hininga si Luna at biglang nagseryoso.
"Bakit?" tanong ulit niya dito.
"May sinabi ka ba sa kanya?" seryoso ng tanong na sa kanya ni Luna.
"Nanaginip kasi ako ng masama. P-pinatay daw niya ako, kaya natakot ako at nang makita ko siya paggising ko, pinalayo ko siya at sinabihan ko siyang mamamatay tao," amin niya kay Luna.
"Sanay naman na si Jim, na masabihan ng ganyan, halimaw o mas higit pa. Pero nang ikaw ang nagsabi, bakit ganoon ang naging reaction niya?" naguguluhang tanong ni Luna. Biglang parang may naiisip ito at nagliwanag ang mukha nito. "Hindi kaya."
"Hindi kaya, ano?" nagtatakang tanong niya.
Nagulat siya nang malakas na tumawa si Luna at parang ang saya saya.
Wierd.
"Binata na si Jim!" natatawang bulalas niya.
"Ano?"
"Wala," nakangisi pa ring tugon ni Luna. Mayamaya sumeryoso na ito at nilapitan siya saka umupo sa kama niya. "Simula nang insidenteng muntik ng ikamatay ni Jim, nag-iba na ito. Wala na siyang kahit sinong pinagkakatiwalaan at kaming mga dating kaibigan niya, ay tinulak niya palayo sa kanya. Ginawa niyang malupit ang sarili niya dahil iyon ang sa tingin niya ang makakaiwas sa sakit, na naranasan niya minsan at hanggang naging halimaw na siya sa paningin ng iba. Pero ngayon, sa nakikita ko, may kaunting pagbabago na sa kanya at tingin ko dahil sayo iyon." Nakangiti na ito sa kanya.
Naguguluhan tuloy lalo siya sa sinabi sa kanya ni Luna. "Hindi kita maintindihan," tugon niya dito.
"Pwede bang maging mabait ka kay Jim. Mabait naman iyon, galit na galit lang siya sa mga tuma-traydor sa kanya at nagiging paranoid minsan."
"Pero bakit?"
"Na-kidnap kasi si Jim noon at naging dahilan ng pagkamatay ng Papa niya. Isa sa mga kidnaper ay sobrang pinagkakatiwalaan ng Papa ni Jim at ang isa naman ay ang Yaya niya since baby siya. Itinuring niya itong pangalawang ina, dahil lumaki naman siyang walang ina at sobrang masakit sa kanya na tinraydor siya nito." Nanlaki ang mga mata niya, sa kaalamang may ganoong pa lang pinagdaanan si Damien,"muntikan na rin siyang mamatay noon. Na-coma siya ng isang buwan noon pero naka-survived siya pero ang Papa niya, hindi naka-survived. Namatay ito sa pagligtas kay Damien at naging malaking dagok iyon sa kanya, kaya ang laki ng pagbabago niya simula noon. Kami na lang ni Stephan, na kaibigan niya mula noon ang nagta-tiyaga sa sumpong niya. Mahalaga sa amin si Jim at hindi namin siya kayang bitawan, kasi alam namin ang pinagdaanan niya. Ngayon ikaw alam mo na rin. Sana maging mabuti ka ring kaibigan sa kanya, ipinapangako ko sayo na ililigtas ko ang buhay niyo." Hindi niya nagawang magsalita. Parang may kung anong sakit na dumaan sa puso niya. Naaawa siya para kay Damien at nagsisisi siya sa nagawa at nasabi niya sa binata.
Pero nasabi na niya ang masasakit na salitang iyon. Paano niya iyon mababawi? Siguro dapat humingi siya ng tawad sa binata.
Sa buong maghapon, hindi siya pinuntahan ni Damien at kinabukasan ay hindi siya kinikibo o ni tingin, ay hindi nito ginawa sa kanya. Iniiwasan siya nito at hindi niya alam kung paano babawi sa binata kung ganoon ang pakikitungo nito sa kanya.
"Marunong ka bang magluto?" tanong sa kanya ni Luna.
"Oo," nagtatakang tugon niya.
"Lutuan mo siya ng kare-kare, paborito niya 'yon," sabi sa kanya ni Luna.
Mukhang ang "iyon" na tinutukoy niya ay si Damien.
"May mga rekado na sa kusina. Namili kami kanina ni Stephan," dagdag nito.
"Sige," payag niya.
Sa kusina siya dumiretso at inumpisahan na nga niya ang magluto ng kare-kare. Mabuti at marunong siyang magluto. Kinailangan niyang matuto dahil maaga siyang nawalan ng magulang.
"Luto na," sabi niya kay Luna, na nandoon at tumulong sa paghiwa ng rekado.
"Dalhan mo siya sa kwarto niya. Tiyak, hindi bababa iyon para mananghalian."
"P-pero, baka naman magalit siya pag sinadya ko pa siya sa kwarto niya," nag-aalinlangan na sabi niya.
"Dadalhan mo na nga siya ng pagkain, magagalit pa siya? Kapal naman niya!" Napangiti siya sa iritadong emosyon sa mukha ni Luna.
"Baka kasi ayaw pa niya ako makita. Nakita mo naman na hindi ako kinikibo at halatang iniiwasan ako."
"Kaya nga ikaw na ang pumunta sa kanya. Tiyak hindi na makakaiwas 'yon."
"Sige, dadalhan ko na siya," payag na lang niya.
Inayos na niya ang pagkain na dadalhin niya kay Damien at mabilis na tumungo sa kwarto nito.
Bumuga muna siya ng hangin bago kumatok sa pinto. "Come in," baritonong boses ang tumugon sa katok niya. Hindi niya alam pero kumabog ang dibdib niya sa boses na iyon ni Damien. Pinihit niya ang door knob pabukas. "Do you get the information that I want to know, Stephan?" salubong ni Damien, sa kanya na hindi naman humaharap sa kinaroroonan niya. Napahigit siya ng hininga, nang makita ang kabuuang hubad na likod ni Damien at matambok na puwet nito, na tanging boxer lang ang tumatakip. "Stephan," sabi nito at humarap sa kanya. Agad na iniwas niya ang tingin sa ibabang bahagi ng katawan nito.
Namumutok ang abs ng katawan nito at nakakapanlaglag panty, na parang kayang durugin ng katawan nito ang katawan niya sa oras na niyakap siya nito ng mahigpit.
"What are you doing here?" untag nito sa kanya, na ikinabalik niya sa realidad. Malamig ang boses nito.
"D-dinalhan kita ng tanghalian. Kare-kare ang ulam at sabi ni Luna, paborito mo raw ito kaya nagluto ako para sayo." Hindi niya maintindihan ang emosyong dumaan sa mukha ni Damien, pero sandali lang iyon at muling naging malamig ang tingin nito sa kanya. Hindi niya maiwasang kabahan sa klase ng tingin nito sa kanya. Napaatras siya nang unti-unting lapitan siya ni Damien. "B-bakit?" kinakabahang tanong niya.
"You look scared." Ngumisi ito,"iniisip mo ba na papatayin kita, like I did yesterday?" Hindi siya nakapagsalita sa tanong nito at napaatras, nang lumakad na naman ito palapit sa kanya. Bumalik sa ala-ala niya ang walang-awang pagpatay ni Damien, sa tatlong tao kahapon na nagmamakaawa pa bago nito pinatay at kumabog ang dibdib niya ng malakas. Hanggang ngayon dama pa rin niya ang takot dahil sa nasaksihan niya. "Na babaliin ko ang maganda mong leeg at iiwan ang maganda mong katawan, na walang buhay sa sahig o gagamitin ko ang espada para gilitan ang maganda mong leeg at ihihiwalay diyan sa maganda mong katawan?" malamig na tanong nito sa kanya. Humakbang ito palapit sa kanya.
"Teka? Bakit parang may compliment pa ito sa leeg niya at katawan niya?"
"Ano sa tingin mong gagawin ko sayo? Paano kita papatayin?"
Napalunok siya at napaatras hanggang sa naramdaman na niya na may nasandalan na siyang kung ano. Paglingon niya, ang saradong pinto na pala at nang harapin niya si Damien, dikit na dikit na ang katawan nito sa kanya at mas lalo pa itong dumikit sa kanya.
Naamoy niya ang mabangong panglalaking amoy ni Damien at ganoon na rin ang mabangong hininga nito. Naramdaman niya na mas idinikit ni Damien, ang katawan at naging dahilan para mabitawan niya ang tray at nalaglag ito sa paa niya.
"A-aray! Ang init!" bulalas niya dahil natapunan ng mainit na ulam at kanin ang paa niya. Agad siyang yumuko para haplusin ang masakit na paa niya. Nagulat siya, nang buhatin siya ni Damien, dinala siya sa banyo at hinugasan ang paa niya sa lababo ng banyo. Kitang-kita niya ang pag-aalala sa mukha nito habang hinuhugasan ang namumula niyang paa.
"Is it hurt?" nag-aalalang tanong nito sa kanya.
"O-okay na. Nawala na kahit paano ang sakit," tugon niya. Binuhat siya muli ni Damien at dinala sa kama para doon paupuin. Napatingin siya sa pagkain na dinala niya, na ngayon ay natapon na.
"Sayang naman!" Napabuntong hininga siya.
"I'm sorry for your food and to hurt you." Nagulat at napatingin siya muli kay Damien. Kita ang konsensiya sa mukha nito.
"Okay lang." Itinulak niya si Damien saka tumayo. "Kung gusto mong makakain ng luto kong kare-kare, bumaba ka na lang at doon kumain. Pero kung ayaw mo talaga. Okay lang." Hindi niya napigilang hindi lumabas ang sama ng loob sa himig ng boses niya.
Lalakad na sana siya paalis, nang hablutin nito ang braso niya at naramdaman na lang niyang nakulong siya sa mga braso nito.
"I didn't meant to scare you. Hindi ko naisip na hindi ka nga pala sanay na nakakakita ng pinapatay, kaya nang masaksihan mo ang ginawa ko kahapon ay sobra kang natakot at nawalan ng malay. Pati sa akin natakot ka-
"Nakakatakot naman talaga ang ginawa mo eh," putol niya sa sasabihin nito. Nakita niya ang sakit na bumalatay sa mukha nito.
"Pero iyon ako. I'm a monster-
"No, you're not. Masyado ka lang nadadala sa galit mo kaya mo sila napatay, na hindi dapat. Dahil kahit pagbali-baliktarin ang sitwasyon. Mali pa rin ang pumatay, masama man ito o mabuting tao," paliwanag niya kay Damien. Hindi siya pumapalag sa yakap ng binata at hindi niya maintindihan, kung bakit hindi siya naiilang at nasisiyahan ang puso niya sa ganitong pagkakalapit nila.
"Alam ko. Pero hindi ko kayang pigilan ang sarili ko at paulit-ulit ko lang nagagawa ito dahil sa tuwing may magta-traydor sa akin. Bumabalik sa ala-ala ko ang lahat ng iyon at hindi ko kayang pigilan iyon."
"Kaya mo. At dapat kakayanin mo. Tutulungan kita para mapabago ka," puno ng determinasyon na sabi niya at nakita niya na nagulat ito at may hindi maintindihan na emosyong bumalatay sa mukha ng binata.
A/N
Naglalandian na iyong dalawa oh! Walang poreber! Haha :D
Don't forget to vote and comment, repz! Anong masasabi niyo sa landiang chapter na ito??
Sa mga nagbabasa na hindi naka-follow. Repz, pa-follow naman.