NAGISING si Feliza sa malamig na tubig na bumuhos sa mukha niya. Naubo pa siya dahil may tubig na pumasok sa ilong na talagang nagpagising sa kanya. Hindi kaagad niya naidilat ang mga mata dahil sa tubig na bumalot sa kanyang mga mata.
"Gising ka na ba?" tanong ng isang lalaking na nagpakilabot kaagad sa kanya. Tinignan niya ito at hindi nga siya nagkamali. Ito ang lalaking kasama ni Parker, 'yong lalaking pumatay sa kaibigan niya.
"Anong kailangan niyo sa akin?" tanong niya dito.
"Kailangan ka naming patayin," walang habas na tugon nito at ngumisi pa kaya lumabas ang naninilaw na ngipin nito.
Naiisip tuloy niya kung nag-to-toothbrush pa ba ito, kasi nakakadiri na talaga ang ngipin nito. Napabuntong hininga siya. Mamamatay na kasi siya iyon pa rin talaga ang pumasok sa isip niya.
"Ang tapang mong magsumbong sa Pulis. Hindi mo kinikilala ang kinakalaban mo," sabi nito. Umikot ang mata niya sa kinalalagyan, medyo madilim sa lugar na iyon at walang kahit na anong gamit na makikita maliban lang sa mga nagkalat na kahoy at bakal sa paligid. Hindi nag-iisa ang lalaking nasa harap niya dahil may iilan pang lalaki na nakatayo at nakasandal sa pader sa lugar na iyon. Nasa tatlo pa ang nandoon at hindi niya alam kung ilan pa ang nasa likod niya at dahil nakatali siya sa kinauupuan, hindi siya makalingon sa likod pero ramdam niya na may tao sa likod niya. "Anong last wish mo? Bago ka mamatay?" nakangising tanong pa nito.
"M-mag-
Napalunok siya hindi siya makapagsalita ng tuloy tuloy dahil nahihilo na naman siya. Marahil dahil sa gamot na pinaamoy sa kanya kanina.
"Ano?" tanong ulit nito sa kanya.
"Mag-toothbrush ka araw araw. Bukod sa mabaho mong hininga, nakakadiri ang ngipin mong naninilaw na!" matapang niyang insulto dito.
Natatakot siya pero mamamatay na rin naman siya dahil sa lalaking nasa harap niya at wala nang kawala sa mga ito. Bakit pa siya mag-iingat sa sasabihin niya.
Hindi napigilan ng mga kasamahan nitong tumawa sa sinabi niya kaya nagalit ito at madiin na hinawakan ang baba niya, na talagang ikinaiki niya sa sakit.
"Matapang kang talaga ha," puno ng poot na sabi nito,"manahimik kayo!" saway ng lalaki sa mga kasamang tumatawa na nagpatigil sa mga ito. Diniin pa nito ang pagkakahawak sa baba niya at parang gustong durugin iyon. Hindi na niya napigilan ang impit na ungol niya sa sakit. "Masakit 'di ba? Dudurugin ko 'yang bibig mo bago kita patayin! Napasigaw siya dahil matapos bitawan nito ang baba niya sinampal naman siya nang malakas. "Masakit ba? Sagot!" sigaw nito.
Nalasahan na niya ang dugo na galing sa bibig niya. "Oo, masakit," tugon niya at gusto na niyang mapaluha sa sakit ng mukha at baba niya.
"Mas masasaktan ka sa gagawin ko pa," sabi nito. Nanlaki ang mga mata niya sa takot nang lapitan siya nito at pinaikot nito ang braso sa leeg niya. Balak nitong pilipitin ang leeg niya kaya nagpapalag siya.
"Huwag! Patayin mo na lang ako!" sigaw niya dito pero hindi ito nakinig. Ang lapit ng mukha nito sa mukha niya at diniinan nito ang pagkakakapit ng braso sa leeg, na halos masakal na siya kaya napaubo at napaiki siya sa sakit na nararamdaman.
"Babalian kita ng leeg para mangisay ka sa sakit at unti-unti kang mamatay," nakangising sabi nito. Naamoy niya ang mabahong hininga nito na nagpahilo sa kanya.
"Ang baho mo! iyon ang nasabi niya kahit pa nasasaktan na siya.
"Talagang ginagalit mo ako! Pinilipit na nito ang leeg niya kaya napasigaw na siya. Nararamdaman niyang mababali na ang leeg niya.
Isang lagabog ang narinig niya at lumuwang ang pagkakapit ng braso ng lalaki sa harap niya. Binitawan na rin siya nito at tuwid na tumayo.
"Boss, nandito na po ang babae. Dinala ko siya rito para patayin na, nang hindi siya maging sagabal sa mga plano natin," sabi ng lalaking kanina lang gustong pumatay sa kanya.
Masakit ang leeg niya, hindi niya alam kung nabalian siya dahil talagang masakit ito. Pati ang pisingi niya at labi niya nananakit din.
Napatingin siya sa lalaking kararating pa lang. Si Parker at iyon na naman ang walang emosyong mukha nito.
"Patayin niyo na lang ako. Dahil sa oras na buhayin niyo pa ako, sisiguraduhin kong makukulong kayong lahat!" nanghihina pero matapang na banta niya sa mga ito.
"Talagang wala kang takot!" sigaw ng lalaking kanina papatay sa kanya at napasigaw siya nang sinampal na naman siya sa mukha. Napabuga siya nang maraming dugo sa bibig niya. Namamanhid na ang mukha niya sa sakit at nahihilo siya sa muling atake sa kanya ng lalaki.
"Boss, hayaan mong patayin ko na ito! Baka maging sagabal pa ito-
Malakas na putok ng baril ang nagpasigaw kay Feliza at may bumagsak sa tabi niya. Napalingon siya sa bumagsak. Duguang mukha at wala ng buhay na katawan ng lalaking nanakit sa kanya kanina ang nakita niya.
"Pinatay ni Parker ang tauhan niya!
"This is what happened when you defy me," sabi ni Parker at binigyan nang nakakatakot na tingin ang mga tauhan nito. Lumapit ito sa kanya na muling nagbalik ang walang emosyon na mga mata.
"Masama ka," sabi niya dito. Hinawakan nito ang pisngi niya pero walang diin at may pag-iingat.
Kumakabog nang mabilis ang dibdib niya sa takot at nahihilo pa rin siya. Hindi na niya alam ang sumunod na pangyayari dahil nagdilim na ang paningin niya.
Nagising si Feliza, na masakit ang katawan lalong-lalo na ang leeg niya na halos hindi niya maigalaw. Nasa isang hindi pamilyar na kwarto na siya ngayon at maayos na kwarto ito. Hindi katulad kanina na nasa isang madilim na lugar siya na tanging kulay dilaw na bombilya lang ang ilaw, kaya halos hindi ganoong kaliwanag. Doon nanlaki ang mga mata niya sa ala-alang nangyari sa kanya kanina lang at kung bakit sumakit ang buong katawan niya.
Sinubukan niyang bumangon pero talagang masakit ang buong katawan niya kaya nagdahan-dahan siya ng bangon at nanlaki na naman ang mga mata niya nang may sumalubong sa paningin niya na tao at nakaupo sa single na sofa, na hindi kalayuan sa kama. Matiim na nakatitig ang itim na itim na mga mata nito sa kanya at hindi mo makikitaan ng pagkailang sa pakikipagtitigan sa kanya.
"Ang gwapo talaga nito hindi mo aakalain na ganoon siya kasama, sa nasaksihan ko lang kanina," sabi niya sa sarili.
Tumayo ito at naglakad palapit sa kanya na ikinakabog ng dibdib niya at gusto na sana niyang magtatakbo palayo sa lalaki, pero hindi niya nagawa dahil nakadama siya lalo ng takot sa matiim na titig pa lang nito, kaya hindi na siya nakagalaw pa. Huminto ito mismo sa harapan niya. "You're awake," baritonong sabi nito na nagpataas ng balahibo niya, napakalamig ng boses nito na may kakaibang dating din sa kanya.
"N-nasaan ako?" hintatakutan na tanong niya at doon naisipang pagmasdan ang kabuuan ng kwarto.
Dirty white ang kulay ng pintura ng kwarto, malaki, at magara, halatang hindi basta basta ang taong nagmamay-ari ng kwarto, dahil sa magaganda din ang mga kagamitan na naandoon. Glass door pa ang pinto na iniisip niya ay ang banyo ng kwarto.
"You're in my house," nagulat pa si Feliza, sa malamig na boses na iyon ng lalaking nasa harapan niya.
Napakapit siya sa kumot na nasa katawan niya at lalo siyang nakadama ng takot." Bakit mo ako dinala sa bahay mo? Dito mo ba ako papatayin?" puno ng takot na tanong niya at nanginginig na siya sa takot.
"I'm not gonna kill you," tugon nito na kahit paano ay ikinahinga niya nang maluwang," kung ikaw nga ang taong iyon, hindi kita papatayin," dagdag nito na ikinatingin niya muli sa lalaki.
"Taong iyon? S-sino?" naguguluhan niyang tanong.
"Basta, pag tama ang hinala ko. Hindi kita papatayin kundi pakakasalan kita," tugon nito.
"Hindi naman niya pala ako papatayin pag ako talaga ang taong iyon. Pakakasalan-
"Ano? P-pakakasalan mo ako?" gulat na gulat na bulalas niya. Tumango lang ito at inilapit ang gwapong mukha sa kanya, malapit na malapit na ikinasinghap niya.
"Yes, I will marry you and we will make a family," malamig pa ring tugon ng lalaki.
"P-pero hindi naman tayo magkakilala eh," katwiran niya.
"We have time to get to know each other. You don't need to worry about that. Isa pa, pag nasigurado ko pa, na ikaw nga iyon. Kaya ipagdasal mo na ikaw nga iyon dahil kung hindi," sadyang pinutol nito ang pagsasalita, "You're gonna die." Nangilabot na naman siya sa sinabi nito.
Paano nga kung hindi siya ang taong tinutukoy nito? Ibig sabihin mamamatay talaga siya? Gusto niya pang mabuhay pero sa oras naman na siya nga iyong taong hinahanap ng lalaking ito, ikakasal naman sila. Parang hindi rin naman maganda iyon. Hindi niya kilala ang lalaking ito tapos magiging asawa niya? Umpisa pa lang nang nakaharap niya ang lalaking ito ay may pinatay na ito at ang mas masama pa ang matalik niyang kaibigang ang pinatay nito. Tapos kanina walang pagdadalawang isip na binaril sa harap niya ang isa sa tauhan nito. Masama ito at nakakatakot na tao, tapos ikakasal siya dito. Parang wala ring pinagkaiba iyon sa kamatayan at parang pagtatraydor iyon sa kaibigan niya na walang habas nitong kinitilan ng buhay. Tingin niya mas mahirap ang kahihinatnan niya na pagpapakasal sa lalaki kesa sa kamatayan niya.
"Ayoko," hindi niya napigilang bulalas.
Nakita niya ang pagsalubong ng mga kilay ng lalaki na ikinaatras niya."Pakakasal ka o mamatay ang lahat ng konektado sa buhay mo?" hindi tanong iyon kundi pagbabanta. Pagbabanta hindi lang sa buhay niya pati sa mga taong konektado sa kanya na lalong ikinatakot niya.
"Huwag mong idamay ang mga inosenteng tao!" galit na niyang sabi dito. Ngumisi ito, ang ngising iyon ay nakakatakot.
Gwapo pa rin naman siya sa pag ngisi na iyon pero nakakatakot talaga dahil mukhang may masama itong balak.
"Don't threaten me lady, I can kill anyone without mercy," tugon nito sa kanya,"kahit pa inosente sila, I don't care. Magawa ko lang ang plano ko."
"Alam ko iyon! Dahil pinatay mo ang matalik kong kaibigan ng walang kakonsi-konsensiya!
"Kaibigan? Ginalaw nito ang ulo. "Kaibigan mo pala ang pinatay ko noong nakaraang gabi," parang inosenteng sabi nito.
"Oo! At may magulang ang taong iyon na pinatay mo! Mabait ang kaibigan kong iyon kaya bakit mo sa kanya ginawa iyon! Bakit mo siya pinatay!" naiiyak na sumbat niya dito.
"Mabait? Pero pumatay siya ng inosenteng bata at nagpapakalat siya ng droga, kaya hindi siya mabait," walang emosyon na sabi nito na ikinagulat niya.
Hindi ganoon ang kaibigan niya bakit sinasabi nito iyon sa kanya?
"Sinungaling ka!" sigaw niya dito. "Mamatay tao ka na sinungaling ka pa!" Hinablot nito ang braso niya at inilapit siya sa mukha nito.
"I'm not a liar! Your friend is a murderer and drug pusher. He deserves to die!" puno ng poot na sabi nito.
He? Anong he, na sinasabi nito? Babae si Yvonne at hindi lalaki.
"Rest!" utos nito sa kanya,"Doctor is coming to check you."
"Patayin mo na lang ako! Hindi ako magpapakasal sa kriminal na tulad mo!" galit niyang sabi kay Parker.
"I don't need your approval, Lady. We will get married whether you like it or not!" diin nito.
"Ayoko! Patayin mo na lang ako!
"I will kill you, don't worry. Sa oras na malaman ko na hindi ikaw ang hinananap ko!" matigas na tugon nito at naglakad na ito paalis.
"Patayin mo na lang ako!" sigaw na niya pero hindi siya nito pinakinggan at tuluyan na siyang iniwan nito.
Napaiyak na siya, ayaw niya ikasal sa lalaking ito. Sa lalaking pumatay sa matalik niyang kaibigan at magpapahapis sa mga magulang ni Yvonne. Naiisip pa lang niya ang magiging reaksyon ng mga magulang ni Yvonne sa oras na malaman ng mga ito na wala na ang anak ng mga ito, sobrang nasasaktan na siya. Tapos mapapangasawa pa niya ang pumatay sa kaibigan niya?
Patayin na lang sana siya nito kesa asawahin.
A/N
Comment
Follow me :)