"AALIS ka pala," umpisa ni Feliza nang lapitan niya si Damien. "I need to," matipid na tugon nito. Napabuntong hininga siya. Alam naman niya kung anong dahilan kung bakit ito aalis, narinig niya lahat ang usapan nito at ni Luna. "Babalik ako at pag nabawi ko na lahat ng mga ari-arian ko na ninakaw at ang posisyon ko sa Gang namin, babalikan kita at isasama na kita sa Maynila. Magiging maayos na ang buhay natin, kesa sa ganito na nasa maliit lang n bahay tayo nakatira." "Hindi ka ba naging masaya sa ganitong buhay, Damien?" Nakita niya na naguluhan si Damien sa tanong niya. "Ako kasi kahit simple lang ang buhay natin dito, naging masaya ako. At kasama ka sa dahilan. Tahimik din ang pamumuhay natin dito, hindi tulad doon sa kinalakhan mo." "Pero hindi ko sila dapat pabayaan at kailangan k

