Chapter 20

2020 Words
SPG18+ GUSTONG magpapalag ni Feliza, pero mas malakas sa kanya si Damien at ayaw siyang pakawalan nito. Nakaramdam siya ng lamig dahil tanging undies na lang niya ang saplot sa katawan at ang dress na suot niya ay punit na, na nasa sahig. "Damien- Naputol ang pagsasalita niya matapos siyang halikan ni Damien, at nang itulak siya nito sa kama ay mabilis siya nitong kinubabawan. Sumalubong sa kanya ang nag-aalab na mga mata nito. "I have one rule. You only lay in this bed and I'll do the work," sabi nito na may panganib ang boses. "A-anong pinagsasabi mo- "Shut up! I'm gonna f**k you the way that I want!" sigaw na nito. Sinibasib na naman siya ng halik nito at halos hindi na siya makahinga. Pinaghahampas niya ito sa dibdib pero hindi iyon alintana ni Damien. Nanlaki na naman ang mga mata niya nang matanggal nito ang bra niya at mabilis na inangkin ng labi nito ang isa niyang dibdib. Napaliyad siya at nadama niya na nag-iinit na ang kanyang katawan, pinipigilan niya ang pagiging pangahas ni Damien, pero unti-unting nagugustuhan iyon ng katawan niya. Lumabas ang ungol sa bibig ni Feliza, nang haplusin ni Damien ang pagitan ng hita niya. Kahit may saplot pa siya doon dama niya ang init ng palad nito. "D-Damien," pigil niya dito na naging ungol dahil sa init na naipaparamdam sa kanya ni Damien. Napanganga siya nang mapunit ang huling saplot niya at sakupin ito ng palad ni Damien. "You're hot," bulalas ni Damien, habang humihimas na ng palad ang bahaging iyon sa ibaba ni Feliza. "Damien!" napasigaw siya dahil sa kirot ng ipasok ni Damien, ang daliri sa bahagi niyang iyon. Nag-iinit ang mukha niya at hinawakan niya ang braso ni Damien upang pigilan ito. Ito ang unang beses na may humawak sa bahagi ng katawan niyang iyon, kahit sa dibdib niya dahil kahit nagkaroon siya ng kasintahan noon, na isang beses lang at hindi pa nagtagal ay hindi naman sila umabot sa ganitong tagpo. Napatitig siya sa mukha ni Damien, kita ang pagnanasa at kalupitan sa mga mata nito at bumilis ang kilos ng kamay nito sa ibaba niya. "Ah!" napahiyaw siya sa sakit dahil sa bilis nito. "Damien!" sigaw niya. Tinanggal na ni Damien, ang kamay nito sa bahaging iyon at muli napaliyad siya sa sunod na ginawa nito. Ang bibig na nito kasi ang ipinalit sa kamay niya saka mahigpit na hinawakan at pinaghiwalay nito ang binti niya at inangat pa ang bewang niya saka sinamba ang bahaging iyon ng katawan niya. Malakas na umalpas sa bibig niya ang ungol at napapikit siya ng mariin. Nagugustuhan niya ang ginagawang iyon sa kanya ni Damien at waring may namumuo na kung ano sa kalooban niya. "Feliza! Hindi kayo tunay na mag-asawa para pahintulutan mong gawin niya sayo iyan!" sigaw ng isip niya. Pero dahil sa ginagawa sa kanya ni Damien, hindi niya pinakinggan ang sigaw ng isip niya at patuloy siyang napaungol hanggang sa naabot niya ang sukdulan at naisigaw pa niya ang pangalan ng lalaki. Nanghihina ang buong katawan niya at waring may naabot siya na hindi niya alam kung ano. Basta ang sarap sa pakiramdam at ngayon niya lang naramdaman iyon. Napamulat siya nang tumayo sa harapan niya si Damien at tinanggal ang huling saplot na meron ito. Napasinghap siya nang tumambad sa kanya ang kahandaan nito, nakadama siya ng takot dahil wala siyang karanasan sa pakikipagtalik at hindi niya alam kung kakayanin ba niya ang laki ng lalaki. Lumapit si Damien sa kanya na may nag-aalab na titig na ikinaatras niya. "Damien 'wag! Please, 'wag!" takot na sigaw niya. Pero bingi na ito, marahil sa pagnanasang lumulukob na sa binata at handa na itong angkinin siya ng buong-buo. "Damien!" sigaw niya ulit at dahil sa takot ay tumulo na ang mga luha sa mga mata niya. Takot na takot na siya ngayon dahil mukhang masasaktan siya sa pag-angkin sa kanya ni Damien. Wala sa itsura nito ang magdahan-dahan dahil ang kalupitan ng dating Damien na una niyang nakilala ang nakikita niya ngayong gabi sa lalaki. Napapikit siya at hindi napigilan mapahikbi. Napaigtad siya nang may humaplos sa pisngi niya at pagdilat niya si Damien, na puno ng pag-aalala. "My Angel," tawag nito sa kanya at niyakap siya. "What did I do? God! I'm sorry, I'm sorry," puno ng pagsisisi na sabi nito. Doon napahagulgol siya at umiyak na niyakap ang binata. "I'm sorry, I'm sorry," paulit-ulit na sabi nito at nabasag na rin ang boses nito, na ikinagulat niya. Napatitig siya sa mukha ng binata at kitang-kita niya ang masaganang luha sa mga mata nito. "I'm a monster and I hate myself that you're hurt because of me. I'm sorry My Angel." Niyakap na rin niya si Damien at hinaplos ang likod. "O-okay na ako, ang mahalaga n-natauhan ka at hindi mo natuloy iyon," tugon niya dito. Hindi na ito nagsalita, niyakap na lang siya nito at isinubsob ang mukha sa leeg niya. Nakatulog sila pareho ni Damien, na magkayakap. Hindi talaga siya binitawan ng binata kaya hinayaan na lang niya ito at parehas silang walang saplot na magkayakap na nakatulog. Naaalimpungatan si Feliza, nang maramdaman niyang gumalaw ang kama kaya napamulat siya ng mga mata niya at maliwanag na ang paligid. Napatingin siya sa sarili at balot ng kumot ang katawan niya, wala na sa tabi niya si Damien kaya hinanap ito ng mga mata niya. Nakita niya itong nakaupo sa paahan. Nakasuot na ito ng short at takip takip ng dalawang kamay ang mukha. "Damien," tawag niya sa binata pero hindi ito humarap sa kanya. Narinig niya ang pagbuntong hininga nito. "Mukhang hanggang ngayon nagi-guilty pa siya sa nagawa niya." Umupo siya sa kama. Tinakpan ng kumot ang hubad na katawan at nilapitan si Damien. "Damien- "Did I force you to have s*x?" putol ni Damien sa sasabihin sana nito,"nasaktan ba kita? N-naging marahas ba ako sayo?" Puno ng pagsisisi ang boses nito.  Bumuntong hininga na naman ito. "I know myself. I f**k hard, rough and I'm a savage in bed too. Lalo na pag lasing ako kaya hindi ako nagpapakalasing kasi iba ang nagagawa ko. Last time, na nalasing ako na may kasamang babae." Huminga na ito ng malalim, "nabalian ang babaeng iyon ng binti at braso." Napasinghap siya sa gulat sa sinabi ni Damien. "H-hindi ko alam kung anong ginawa ko, wala akong matandaan- "Maswerte pa pala ako, dahil h-hindi mo natuloy ang pag-angkin mo sa akin kagabi," putol niya sa sasabihin nito. Napalingon ito sa kanya na may gulat ang mga mata. "H-hindi kita- "H-hindi," putol niya, "muntikan na at natakot talaga ako sayo kagabi, kasi akala ko-" Napahinto siya dahil sa sakit na emosyon na bumalot sa mukha ni Damien. "Akala mo sasaktan kita," tuloy nito sa sasabihin sana niya, "ganoon naman talaga ang mangyayari sayo, kung hindi mo ako napigilan. Ano bang ginawa mo? Bakit hindi kita nagawan ng masama?" "Wala akong ginawa. Ikaw ang kusang tumigil." Nakita niya ang gulat sa mga mata nito, "umiyak ka kagabi na humihingi ng sorry at sabi mo, halimaw ka, na pati ako nasaktan mo." Hindi nakapagsalita si Damien. "B-bakit ka ba nagkaganyan? Sabi ni Luna, hindi ka naman ganyan dati. Malaki raw ang pinagbago mo simula nang- "Trinaydor ako ng taong iyon." Puno ng emosyon ang boses nito na ikinatahimik niya,"pinagkatiwalaan ko siya pero trinaydor niya ako pati si Papa, na nagtiwala sa kanya nagawang niyang traydurin at dahil doon namatay si Papa, para iligtas ako." Umiwas na ito ng tingin sa kanya at bumuntong hininga na naman ito. "Eight years ago na iyon pero hanggang ngayon nandito pa rin ang sakit sa puso ko, na parang kahapon lang nangyari ang lahat ng iyon. Binago niya ako ng sobra at dahil sa kanya, ang tingin ko sa sarili ko ay isang halimaw na kayang manakit ng tao, ng walang awa at hindi na iyon maalis-alis sa pagkatao ko. Na parang kabahagi na iyon sa akin at paulit-ulit kong nagagawa. Paulit-ulit akong nagiging masama," puno ng emosyong sabi ni Damien. Bigla siyang naguluhan sa sinabi ni Damien. "Anong ibig mong sabihin, Damien? Anong nagawa mo noon na sa tingin mo naging halimaw ka?" Hindi niya maiwasang tanungin ito dahil sumisigaw sa kaisipan niyang alamin ang bagay na iyon. Lumingon si Damien sa kanya  na may takot sa mga mata. "Kapag ba sinabi ko sayo, hindi mo ako iiwan at hindi ka magbabago sa akin?" tanong nito sa kanya. Hindi kaagad siya nakatugon. Napalunok siya at tinitigan ang binata. "Ngayon ko lang masasabi ito dahil matagal ko itong inilihim. Pero dahil din sa lihim na ito, paulit-ulit akong minumulto ng nakaraan na iyon." Nakadama siya ng awa sa binata. Gusto niyang mawala kahit paano ang sakit na nadarama ni Damien, kahit lang sa pagkwento nito sa kanya nang nakaraan nito, na matagal na nitong itinatago sa sarili. "Iintindihin ko kung ano man iyon," tugon niya. "Hindi ako nag-iisa noong ma-kidnap ako." Napalunok siya sa kaalaman na iyon, "may kasama ako noong babae." Pumikit si Damien at nang dumilat ito, puno ng emosyon ang mga mata nito. Takot, lungkot at hiya, iyon ang nakikita niya doon. "Kasama  ko ang kinupkop ni Papa, para pag-aralin at anak ng isa sa dating katulong namin, na namatay dahil sa sakit. Mag-isa na lang kasi siya kaya tinulungan siya ni Papa at pinaaral. Noong panahon na iyon, namili kami para bumili ng mga kailangan sa final project ko at sinamahan niya ako. Tapos dinukot kami at pati siya nadamay." "A-anong nangyari sa kanya?" halos pabulong na tanong niya. "N-namatay siya." Napasinghap si Feliza sa nalaman. "She died after I raped her." "Oh my god!" bulalas niya. "They drug us. Ako iyong drug na pangpagana sa s*x at sobrang naging bayolente ako, kaya nasaktan ko siya ng sobra. Siya drug na pangpawala sa sarili at hayaan lang akong babuyin siya. Namatay siya dahil paulit-ulit ko sa kanya iyong ginawa. Sa limang araw naming pamamalagi na kasama namin ang mga hayop na iyon. Paulit-ulit nila kaming dinroga at paulit-ulit ko siyang binaboy at sinaktan, saka ko lang nalaman ang mga nagawa kong iyon sa kanya kapag nawala na ang epekto ng droga sa akin. Umiiyak siya palagi at takot na takot sa akin, hanggang sa iniligtas kami nila Papa, kaso huli na sila dahil halos wala na noon siyang buhay nang dumating si Papa at ako naman ay nanghihina na rin dahil sa droga, na paulit-ulit nilang inilagay sa akin. Tapos nagising na lang ako, na wala na siya at wala na rin ang Papa ko. Namatay sila pareho dahil sa akin. Dahil sa akin!" puno ng pagsisisi na sabi ni Damien. Hindi niya alam kung anong sasabihin niya kay Damien, lahat ng sinabi nito sa kanya ay isang pasabog na matagal nang itinago ni Damien sa sarili. Ang galit, pagsisisi at kalungkutan, lahat ng iyon ay itinago lang ni Damien at ngayon lang inilabas nito ang lahat ng iyon. Ngayon lang ito naglakas loob na sabihin iyon at sa kanya pa. Muli siyang tumingin sa binata at nakita niya na nakatitig ito sa kanya at bakas ang takot sa mga mata nito.  Takot ba ito na baka magbago ang pakikitungo niya rito sa nalaman niya, o baka iwasan na niya ito. Kung tutuusin nakakatakot talaga ang nagawa ni Damien at tama ito. Halimaw lang ang kayang gumawa ng ginawa nito. Ang gahasain ng paulit-ulit ang walang laban na babae at saktan pa ito. Nakita niyang napayuko si Damien. "Tatawagan ko si Luna at pakikiusapan kong sila na ang magbantay sayo. Maiiwan na lang ako rito- "Tama ka, Damien. Halimaw nga ang kayang gumawa ng nagawa mo," sabi niya kaya napatingin ito sa kanya at bakas ang sakit sa mukha nito. "Pero kung nasa katinuan ka, hindi mo magagawa iyon. Ang mga halimaw ay ang mga taong dumukot sa inyo at nagpa-take sa inyo ng drugs. Hindi ikaw Damien, kagaya ng babaeng kasama mo at ng Papa mo, biktima ka rin," sensirong sabi niya sa lalako. Nanlaki ang mga mata ni Damien, na napatitig sa kanya. "F-Feliza," bulong nito. Hinaplos niya ang pisngi ni Damien. "Wala kang kasalanan doon Damien, kaya 'wag mong ikulong ang sarili mo sa nakaraan at bitawan mo na ang lahat ng sakit, galit at pagsisisi mo sa lahat ng iyon." "S-salamat, Feliza." Humarap ang binata sa kanya at niyakap siya. Yumugyog ang balikat nito at alam niya na umiiyak na naman ito kagaya ng kagabi. Niyakap niya si Damien nang mahigpit at pinaramdam sa binata na nandiyan lang siya at hindi niya ito iiwan. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD