"SINUNGALING!" galit na tugon ni Clarity at bumalik ang galit sa mga mata nito. "Masaya ka siguro dahil nakulong ako rito at ikaw, buhay na buhay at masayang namumuhay! Samantalang ako, simula noog sinira ng Nanay mo ang pamilya namin, naging miserable na ang buhay namin ni ate Yelena, habang kayo nila Papa, ay masaya!" galit na sumbat ni Clarity. Kitang-kita niya ang sakit sa mga mata nito na dulot ng mga kabiguang nangyari sa buhay nito. "Bakit ka ba kasi nabuhay ka pa! Sabi patay ka na, tapos makikita kita noong hinuli ako, na buhay ka pa pala!" "Sorry sa nagawa ni Mama- "Walang kapatawaran ang ginawa ng malandi mong Nanay, Feliza! Dahil sa kanya nasira ang pamilya ko! At dahil sa kanya nawala si ate at naging miserable ang buhay ko!" Tumulo ang mga luha sa mga mata nito, pero nandoo

