Sumbong “Sumbong ng sumbong, Labas ang tumbong, Ang batang pikon, May uhog sa ilong.” Sa bakawan ng Isla Batong-Apog na di-kalayuan sa mahabang baybayin kung saan nagpupulong at naghahanda sa kasalukuyan sina Lolong at Perla at ang iba pa nilang kasamahan upang tangkaing lusubin at iligtas ang Hari ng Dagat ng Ayisa sa kamay ng mga Desilturero, may ilang mga buteteng isda na naglalaro. “Sumbong ng sumbong, Labas ang tumbong, Ang batang pikon, May uhog sa ilong.” Ilang sandali pa’y tinawag na ng ilang nakatatandang isda ang mga buteteng naglalaro sa bakawan upang ihabilin muna ang mga ito sa mga dikya na naninirahan sa loob ng isang malapit na coral reef sa dalampasigan. Lingid sa kaalaman ng mga umalis na butete, may mga nilalang na nakakubli sa likod ng mga makakapal na punong

