31

2095 Words

“YVONNE? Yvonne, ikaw ba `yan?” hindi makapa-niwalang nasambit ni Cameron. Nasa palengke siya sa bayan upang tingnan sana ang malaking puwesto nila ng feeds doon. Sandali itong napatitig sa kanya na tila kinikilala muna siya, saka ito napangiti nang malapad. “Cameron?” “Ikaw na nga `yan!” masayang bulalas niya. “Kumusta ka na? Kailan ka pa nakabalik?” Malapit na kaibigan niya si Yvonne noong elementary siya. Nagkahiwalay sila pagtuntong nila ng high school. Sa kabilang bayan na kasi ito nag-aral dahil mas malapit ang eskuwelahan sa bahay ng mga ito. Nasa dulo kasi ng Mahiwaga ang bahay ng mga ito. Hindi sakop ng hacienda ang bahay at lupa ng mga ito. Ang naaalala niya, ang ina lang nito ang kasama nito sa bahay. Nanatili ang pagkakaibigan nila kahit na magkaiba na ang kanilang pinapasuk

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD