Katrina's P.O.V "PARANG sa tingin ko Guys." Sabi ni Ann. Tumingin kami sa kanya para hintayin ang sasabihin nito. "Ang Killer ang tinutukoy ng matanda kahapon." Pagpapatuloy ni Ann. Tumango kami, ganoon rin ang iniisip ko katulad kay Ann. Na ang Killer ang tinutukoy sa sinabi ni Lola, pero isa lang ang pinagtataka at iniisip ko. Sa isang pangyayari na kaya kami ubusin ng Killer? Paano naman yun? Naguusap kami ngayon lunch habang nakaikot ang mga upuan namin, hindi kasama sila Jerick at Romy dahil may sarili silang ginagawa. "Pero paano sa isang Pangyayari o kilos tayo mapapatay?" "Ayan rin ang pinagtataka ko." Ani ni Ann. "Hay, nakakapagod magisip kung paano tayo mapapatay ng Killer sa isang galawan." Sabi ni Arian at nakangalumbaba. "Walang imposibl

