Katrina's P.O.V "Guys! May bago na daw tayong Advicer, pakiayos ang mga upuan at gamit niyo. Baka dumating ang bago nating Guro." Sabi ni Ann na nasa gitna ng harapan. Napabuntong hininga ako, buti naman at may bago na kaming Advicer. Matagal-tagal nadin ng nawala si Teacher Tara. Nagsimula ng ayusin ng mga kaklase ko ang upuan nila at umayos ng upo. Biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang isang babaeng Teacher na bago sa akin at aming paningin. Siya ba ang bago naming Advicer? "Good morning Section Z." Hindi kami umiimik, tinitingnan at pinagmamasdan lang namin ito na parang sinusuri ang buong pagkatao n'ya. "Im Teacher Rose, your new Advicer and Teacher in english. I hope we can have a good relationship through the whole school year." Sabi ng bago naming Advice

