Katrina's P.O.V Uwian na at paalis na ako ng room. Naglalakad na ako paalis nang nasangga ko ang isang upuan, inayos ko ito at natigilan nang may nakitang ukit sa armchair. Isang salita at numero. 'Five' Anong meron sa five? Five ba dahil sunod na ang nakabunot ng panglima? Ayun ba ang sinasabi ng nakaukit dito sa upuan? Iniling ko ang ulo ko at muling lumakad, dumiretso ako palabas ng room tsaka lumabas habang bumabagabag parin sa akin ang nakita ko kanina. Five... Sunod na ba siya? Kinuha ko ang phone ko sa bag at nilabas ito, tiningnan ko ito nang biglang nag-ring at may tumatawag. Tiningnan ko ang number at ito ang nagtext sa akin na number ng killer. Nagtaka ako, bakit n'ya ako tinatawagan? Anong meron? Anong gusto n'ya? Tumingin ako sa paligid at inikot an

