Katrina's P.O.V Uwian na, kakatapos lang ng aming klase. Inaayos ko ang gamit ko nang biglang may humampas sa table para kuhanin ang atensyon namin. "Sino ba dito ang killer? C'mon show your face and face us! 'Wag kang duwag! Hindi kami takot sayo!" Sabi ni Jen at palinga linga sa amin ng nakangiti. Lumakad palapit papunta sa table kung nasaan si Jen sila Princess, Stella, Irish, Paula at ang kaibigan nilang gay na si Jhoseas. "Yes! Hindi kami takot kung sino kamang halimaw ka! Don't hide and show your face!" Saad ni Princess at nagsitawanan silang anim sa harapan. "Yes! Yes! We're not scared! Duh!" Sabi ni Jhoseas. "Ang ingay niyo naman! Anong meron?" Natatawang sabi ni Andrei habang papunta din sa unahan na sinundan din nila Gabriel, Cedrick at Ken na tumatawa.

