Katrina's P.O.V LAHAT kami ay nakatingin sa screen at hindi makapaniwala sa nakikita namin. Sila Adan at Paula, nakaupo sa upuan at nakatakip ang mga bibig ng panyo na walang malay sa pulang kwarto. Kung may ganitong pangyayari? Edi may killer pang isa? Pero paano? Kumpleto kaming Section Z dito pwera lang kila Adan at Paula na nasa monitor? May biglang dumaan na buong itim ang suot at nakamaskarang puti na may hawak ng kutsilyo sa kuha ng kamera. Lumapit ito kila Adan at Paula, tumigil doon at lumakad muli na papunta kay Adan. Tiningnan n'ya ito at biglang sinaksak sa dibdib at tinanggal. May kumalat na dugo sa lugar na pinagsaksakan. Hinawakan ng Killer ang baba ni Adan na walang malay parin at biglang pinadiretso ang talim ng kutsilyo sa isang mata nito ng dahan-dahan a

