Angel's P.O.V "OKAY ka lang?" Tanong sa akin ni Marcus. "Oo, Iniisip ko lang si Kat." Naglalakad kami sa hallway ni Marcus, yinaya n'ya ako pumunta ng Cafeteria para kumain. Lunch kasi namin. Hindi pa rin bumabalik si Kat sa room pagkatapos ng nangyari sa kanya at kinalungkot ko na wala akong nagawa kanina dahil hindi ko alam sa sarili ko kung totoo iyon o hindi. Lahat kami ay naguguluhan. Si Louie? Wala rin sa Room magkasama pa rin ata sila ni Kat. "Alam kong hindi kaya ni Kat gawin ang ganung bagay." "Walang imposible." "Pero... Hindi naman kaya ni Kat pumatay. 'Di n'ya kaya patayin si Rica, at walang rason para pumatay siya. Baka naman may explanation si Kat bakit siya may hawak na kutsilyo kasama si Rica. Ayoko maniwala Marcus, naging kaibigan na natin si Kat."

