"SAAN tayo pupunta?" tanong ni Fernando sa kasama. "Sa pier. May kukunin lang akong package," sagot ni Carmelita. "Oh... So driver mo ako ngayon?" muling tanong ng lalaki kay Carmelita. Nasa loob na sila ng sasakyan. Naka-on na rin ang engine pero hindi pa sila umaalis. "May problema ka dun, Mister?" Tinaasan ng kilay ni Carmelita ang lalaki. "Wala naman. Gustong-gusto ko nga para masolo naman kita," sabi ni Fernando na nakatingin na ngayon sa mga labi ni Carmelita. Napansin naman iyon ng babae kaya namumulang napakagat ito sa pang-ibabang labi nya. She still can't get used of Ando's showing his affection towards her. Magmula kasi ng tanggapin ni Fernando ang proposal nya, mas lalo pa silang natakam sa labi ng isa't isa. They always taste each other's mouth every time they get the ch

