17 YEARS AGO... "CARMEL, anak, papasok ka na ba?" tanong ng aking nanay ng maabutan nya ako na nasa bandang pinto. Kagigising lamang nito. "Oo, Nay. Hindi na po kita ginising kasi alam kong pagod na pagod ka kagabi sa pagtatrabaho sa resort," sabi ko at lumapit dito para halikan sya sa pisngi. "Alis na po ako," akma na akong lalabas ng pigilan nya ulit ako. "Teka... kumain ka na ba?" "Opo, Nay. Nagluto po ako. Nasa hapag po yung umagahan nyo. Nagbaon na rin po ako para hindi na kayo mag-alala," nakangiting sabi ko sa kanya. Naiiyak na napasugod ng yakap ang nanay ko sa akin. Nagtataka man ako sa kanyang ginawa pero napangiti na rin ako sa kanyang tinuran. Ang sarap talaga ng yakap ng isang ina. "Naku... Ang swerte ko talaga sa'yo, Carmel. Biyaya ka talaga sa akin ng Diyos. Salamat, a

