FERNANDO "OH, napadaan ka?" nagulat na tanong ni Tatay Jose ng makita nya akong pumasok sa kanyang opisina. "May pinuntahan po ang amo ko dyan sa kabilang opisina. Driver nya ulit ako ngayon," ang sagot tsaka lumapit dito at nagmano. "Kaawaan ka ng Diyos, iho," sabi ng kapitan. Pagkatapos kong magmano ay umupo ako sa bakanteng silya na nasa harapan ng kanyang lamesa. "Mabuti napadaan ka rito. May mga chismis kasi akong naririnig sa taga-isla. Eh, gusto kong sa'yo mismo manggaling," wika ni Tatay Jose. "Ha? Ano po yun?" nagtatakang tanong ko. "Nag-propose ka na ba kay Carmelita? Ang chismis, eh, magpapakasal na daw kayo?" "Ha?" natatawang sabi ko. "Ay, hindi ba totoo, iho?" "Somewhat totoo naman po iyon pero hindi po ako ang nagpropose, si Carmelita po," ang sabi koo. "Ano? Talag

