CHAPTER 35 Kitang-kita ni Flynne ang nangyari, alam niya na puwedeng naging new born Vampire si Shina. Pero matagal ang panahon bago iyon mangyari, higit sampung taon… Wala siyang alaala pero kilala siya ni Kenjie. Nagkita sila noong bata sila. Siya ang nagpabura ng alaala kaya hindi niya kilala ang mga ito noong makilala niya. Hindi kaya nagkakilala rin si Shina at Raven noong bata katulad nila? Naalala niyang sa edad na ‘yon, nakikitira sa kanila si Raven. Sa mga kinakagat nila, isa lang ang sinabi ni Faust, may magiging new born Vampire sakaling makagat namin. Pero depende iyon sa attachment ng tao sa bampirang kumagat dito. Si Raven, mayroon itong bloodlink na ‘anger’ at ang ipinapakita ni Shina ay ‘galit’ din ang dahilan. Naalala niya ang sinabi ni Faust na nakokopya ng t

