"I can't be pregnant, Baby," saad ko habang nakatingala kaming dalawa sa kalangitan. Napakadalim ng paligid lalo pa't ini-off ni Drew ang dala naming solar lamp. Tanging ang yakap niya at mga anas ang nagpapatunay na may kasama ako sa ganito kadilim na sandali. "Huwag muna sa ngayon." Sa gitna ng kadiliman ay tanging mga huni ng panggabing ibon ang naririnig namin. Mga kuliglig na hindi ko alam kung bakit ikinaiinis kong pakinggan. Bukod kasi sa natutulili ang tainga ko ay nagiging sagabal iyon sa pag-uusap namin ni Drew. "Baby," usal ni Drew. Nakasandal ang likod ng aking ulo sa kaniyang dibdib at damang-dama ko ang pagtibok ng kaniyang puso. "Let destiny controls our future." Bumuntong-hininga siya. "I want us to have a baby that's why I didn't use protection every time when I'm with y

