Hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na 'yon dahil natikman ko ang pinakamasarap na sweer and sour lapu-lapu sa buong buhay ko. May kakaiba siyang lasa na hindi ko mawari. Nag-aagaw ang tamis at asim sabayan pa ng lasa ng pinya at carrots pati na ng bell pepper. Tamang-tama ang lapot ng sarsa, pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit may nakahalo na olives, pasas at ilang maliliit na slice ng mansanas. Ngayon lang ako naka-encounter ng ganoong recipe. Weird sa unang tingin pero napakasarap kaya hindi na ako nagtangka pa na kumain ng kanin. Naubos ko ang isang malaking isda at laking pasasalamat ko na hindi ako sumuka. "I like this, Baby," saad ko habang nakatingin sa ulo at tinik ng isda. May nakita pa akong isang slice ng maliit na mansanas kaya kinuha ko ang tinidor at tinusok iy

