"Inhale, exhale," saad sa akin ni Lottie. Hinawakan niya ang kamay ko at aaminin ko na medyo kumalma ang aking pakiramdam. Maganda ang naging epekto sa akin ng breathing exercise. "Calm down, Rosel," muli niyang saad sa mababang tono. Hindi ko na makita sa mukha niya ang galit. Pag-aalala ang naroon at tila nakonsensiya siya sa nangyari sa akin. "Drew will be here in a few minutes," dinig kong saad ni Ree saka umupo sa kabilang gilid ng kama. May hawak siyang cellphone sa kabilang kamay at tila hindi mapakali. Nakaupo ako sa kama, nakasandal ang likod ko sa headboard habang pinakikiramdaman ko ang aking sarili. Maayos naman ang pakiramdam ko. Hindi na rin ako nanginginig kaya tumanggi ako na magpunta sa ospital gaya ng suhestiyon ng dalawang kaibigan ni Drew. "How are you, Rosel?" na

