Kabanata 103 HANGGANG sa dumating ang kanilang mga bisita ay hindi pa rin bumabalik ng komedor si Homer na kung saan doon niya iniwan si Hazel. Sa pagkakataong ito ay hindi niya pwedeng pagbigyan ang dalaga sa mga gusto nitong gawin na alam naman niyang nasa advantage ito ni Hazel. Tila ba ginagamit lang nito ang kanyang anak upang makanap ito ng dahilan lumapit siya at pumayag sa anumang gusto nito. Ang kanyang Lola Veron at Lolo John ang mga sumalubong sa bisita at dahil excited na rin siyang makita ang kanyang mag-ina ay nandoon na rin siya. Mayroong isang kotse lang ang dumating ang buong akala niya na may kasunod pa ay iyon na pala ang huli. Lumabas roon si Althea habang hawak-hawak nito si Savier. Abot tainga ang ngiti ni Homer nang makita ang kanyang mag-ina. Sa unahan ng kotse a

