Kabanata 120 SINIGURADO ni Homer na handang-handa siya sa kanilang pag-uusap ngayon ni Althea. Bumalik pa nga siya sa derma clinic para masiguradong presentable siya sa harapan ng pinakamamahal na babae. Nagmamaneho na siya at pakiramdam niya ay bagal ng takbo ng kanyang kotse. Palingon-lingon pa siya sa orasan. Sobrang excited nga lang niya yata para ngayong gabi lalo pa’t plinano na niya kanina pa kung saang restaurant sila magkikita ng babae. Siyempre dahil pakiramdam ni Homer ay isa itong date kinusap niya ang manager ng restaurant na medyo gawin itong romantic na hindi naman nahahalata ng babae. Mabuti na lamang talaga at kaibigan ni Cyrous ang anak ng manager kaya ang pinsan na mismo ang nag-suggest kung ang mas tahimik at masasarap ng pagkain. Gusto niya sa restaurant ng kanyang Ti

