Kabanata 108 TAMA nga ang sinabi ni Althea. Nang makabalik sina Homer galing ospital ay nakauwi na ang kanyang mag-ina pati ang kaibigan nitong si Miya. Sobrang nakakapanghinayang ngunit kailangan niyang samahan si Hazel para sa check up nito at malaman niya ang kondisyon ng bata. Kaagad na muna niyang pinapahinga ang dalaga at siya naman ay dumiritso sa komedor upang kumain. Kaunti lang ang kanyang kinain kanina.Tapos natagalan pa sila sa ospital dahil ang daming napapa-check na buntis. Naabutan niya ang kanyang pinsang si Eskel roon na hindi alam na umuwi pala. Mukhang kakarating lang nito at mag-isa itong kumakain. “Hindi ka nagpasabi na uuwi ka,” aniya sa pinsan at umupo sa harap nito dahil may mga pagkaing nakahanda. Mukhang ang kaninang pananghalian ito. Hindi na niligpit dahil a

