Kabanata 69 KINAKABAHAN at hindi alam ni Homer kung ano ang kanyang iri-react nang magtungo na sila sa State ni Clarisse upang doon gawin ang kasal at upang makita ang anak for the first time. Hindi siya excited sa gagawing kasal ngunit mas excited pa siya na makita ang kanyang anak sa babae. Iyon naman talaga ang kanyang dahilan. Ang makita at makuha ang kanyang anak. “What’s with your face Homer?” tanong ng babae sa kanya nang mapansing nasa malalim siyang pag-iisip. Gusto sana niyang mabilisan ang kanilang kasal ngunit ayaw ni Clarisse ng ganoon dahil raw espesyal para sa kanyang ang asal at mayroon daw itong iimbitahing tao na nagpalaki sa kanya. Hindi nalang nagreklamo si Homer tungkol doon dahil hihiwalayan din naman niya pagkatapos ang babae. Walang dahilan para magsama pa sila ng

